Chapter 27: SEDUCING THE BROTHER

35 5 0
                                    

Yelena was so tired in her everyday experiences in the office. It wasn't bad as she expected, per se. All of their employees were kind to her, na lubos niyang pinagpapasalamat.

Ang trabaho ay kayang-kaya niya. Ang problema lang talaga ay si Angelo mismo. Tinatambakan siya nito ng trabaho at pakiramdam niya ay sinasadya nito 'yon.

Like now, she was eating her dinner while in her hands were the sales report last month.

Angelo asked her to analyze it. It wasn't the worst report she'd seen, but she was really tired at that moment. At kailangan niya talagang isabay ang pagbabasa no'n sa pagkain dahil uwing-uwi na siya. Gusto niya ng ihilata ang pagal na katawan sa malambot na kama.

Tumingala siya at minasahe ang magkabilang balikat.

Tumunog ang cellphone niya. Ang mama Ediza niya ang nakalagay sa caller ID.

Mabilis niyang sinagot 'yon. "Hello po?"

"Yelena, kumusta?" mahinahong tanong sa kabilang linya.

Tired and sad, gusto niya sanang itugon ngunit ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Sa halip, ang sinagot niya ay, "okay lang po ako, Mama."

"Kumakain ka ba ng maayos? Hindi ka ba namamahay sa gabi? Hindi ka ba pinapabayaan ng tatay mo?"

She bit her lower lip. She was at the verge of tears.

"Wag kayong mag-alala sa akin, Mama. Maayos po ako."

"Mabuti kung gano'n. Miss na miss na kita, anak."

"Miss na rin po kita." Tinakpan ng kamay niya ang bibig upang hindi kumawala ang hikbi. "Sige na po," pagpapaalam niya, blinking back her tears. "Nandito pa po ako sa opisina. Marami pa po akong gagawin."

"Sige. Pasyal ka dito kapag nagka-oras ka."

"Opo."

Ibinaba niya ang telepono, at tahimik na pinakawalan ang luha.

Hinaplos niya ang tiyan at pumikit. Hanggang ngayon ay hindi niya naipaaalam sa dalawang ina ang kalagayan niya. At lalo 'yong nakadaragdag sa bigat na pinapasan niya.

Wala siyang gamit sa pagpinta na dala kaya nang matigil ang kaniyang pag-iyak ay naghanap siya ng kanta mula sa kaniyang cellphone.

Ikinonekta niya 'yon sa bluetooth speakers.

Hinubad niya ang suot niyang blazers at tailored dress. Only cycling shorts and white bra left in her body.

She dried her tears before she closed her eyes then dinama ang panimulang nota ng awiting pinili niya.

Let me lick you up,
And down till you say stop.
Let me play with your body, baby.
Make you real hot.

Yelena started dancing. Inalis niya sa isip ang problema, lungkot, stress, puyat at pagod. Miss na miss na niya ang dating buhay niya. Noong hindi pa niya nakikilala si Angelo.

Miss niya nang magpinta at sumayaw. Ang dami ng nagbago sa buhay niya.

Let me do all the things you want me to do.
'Cause tonight, baby, I wanna get freaky with you.
Baby, don't you understand?
I wanna be your nasty man.

Maybe because of the beat, the tune, the lyrics, and her hormones, she felt her body ignited. Hinaplos niya ang katawan na nagiging sensitibo sa bawat galaw niya. Nitong huli, pakiramdam niya ay lagi siyang nag-iinit.

May mukhang pilit na sumisingit sa utak niya, at mga alaalang ayaw man niya ay nangingibabaw ng pilit sa isip niya.

I wanna make your body scream
And you will know just what I mean.

Good Girl's 10 Naughty ListsWhere stories live. Discover now