Chapter 11: I'M SORRY

83 24 55
                                    

Ipinikit ng mariin ni Yelena ang mga mata at isinubsob ang mukha sa kama. Sa loob ng ilang sandali ay nanatili siya sa ganoong ayos. Minuto na ang nakalipas, but she could still feel the effect of that unforgettable moment na naranasan niya sa mga kamay ni Angelo. It was an intense pleasure she felt for the first time in her life.

Hindi niya alam kung maiiyak siya, magagalit o mahihiya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. A stranger seduced her. At hinayaan lamang niya.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya nagawang pigilin ang ginawa nito sa kanya. At mas lalong hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinabi nitong dahilan kung bakit pinigilan nito ang sariling hagkan siya. Sa estado ng utak niya kanina, sigurado siyang hindi lang halik ang makukuha nito sa kaniya. Wala siyang gagawin para tutulan ito sa gustong gawin sa kaniya.

Dahil God, nababaliw na siya.

Slowly, she removed the blanket out of her body. Itinapak niya ang paa sa malamig na sahig. Hindi niya makita ang sandalyas niya kaya nakayapak siyang tumayo. Her legs were weak and trembling. Yet, she had managed to walk towards the study table. Mula roon ay kinuha niya ang listahang ginawa at may hinanap ang mga mata.

List number seven, kiss a stranger.

Napatingin siya sa pintuang nilabasan ni Angelo. He said he want it to be special. Paano ba ang gusto nitong espesyal? Sa romantikong paligid? Mabulaklak na hardin? Gusto ba nito na siya ang hahalik rito ng kusa?

Ipinilig niya ang ulo at bumalik sa pagkakahiga. Pinilit niya ang sarili na makatulog.

---

Kinabukasan ay hindi maganda ang gising ni Yelena. Sukat hanggang panaginip ay sumama si Angelo at inulit nila sa kaniyang panaginip ang nangyari kagabi sa kaniyang kuwarto.

Her aggressiveness in her dream wasn't really the reason why she was mad, but the fact that she woke up panting, sweating and freaking wet. For Pete's sake!

Galit siyang lumabas sa kuwarto. Galit kay Angelo at galit sa sarili niya.

At kung hindi ba naman sadyang mapalad, pagbaba ng komedor ay nakaupo na si Angelo sa hapag kainan. Mag-isa lang ito. Mukhang umalis ang mga kasama nila sa bahay. Gusto niyang tumalikod at umatras, ngunit nakita na siya nito.

"Good morning," nakangiting bati nito. His eyes were gleaming.

Tumango siya bago nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.

Pagkaupo niya ay itinihaya nito ang pinggan na nasa tapat niya, at inayos sa tabi ang gagamitin niyang kutsara, tinidor, bread knife at baso. Habang ginagawa nito 'yon, hindi niya alam kung bakit napapalunok siyang nakatitig sa malalaking daliri at maugat na kamay nito. His muscles were flexing in his every move. Parang napakalakas nito at kayang-kaya siyang buhatin.

Napamulagat siya sa naisip. Napayuko siya bigla. Pakiramdam niya'y nag-iinit ang buo niyang mukha. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang ideyang iyon. Nang hindi pa rin siya kumilos ay si Angelo na ang sumandok ng pagkain niya. "Kumain ka na," malambing nitong sabi.

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakayuko sa kanyang plato.

Angelo took a deep breath. "Galawin mo na ang pagkain mo."

Ang pagkapahiya sa sarili'y tinakpan niya ng pagsusungit. "Ayokong kumain. Gusto ko ng kape."

"Coffee then." Tumayo ito at lumapit sa coffee maker. Nagtimpla. Ilang minuto ay bumalik ito at inabot ang isang katamtamang laking umuusok na puswelo sa kaniya.

Bahagya lamang nag-angat ng tingin si Yelena at umingos. "Kulang ko 'yan. Malakas ako magkape," mataray niyang ani.

Tahimik na umalis pabalik ng kusina si Angelo. Nagtimplang muli ng kape, at muling sinubukang ibigay sa dalagang tila yata may sumpong. "Here," alok nito. Sa kamay ay hawak ang malaking mug na mainit pa.

Good Girl's 10 Naughty ListsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon