12

45 2 0
                                    

Hindi ko pa naibababa ang mga gamit ko sa kwarto ko ng magpasya akong tawagan si Janine. Hindi naman ako natatakot na malaman niya, natatakot akong may isipin siyang kung ano dahil hindi ko kaagad sinabi sa kanya. Janine has been there for me ever since and I will always be there for her. I value her opinion and she value mine. Lahat siguro ng sikreto niya ay alam ko at ganon din siya sa akin. I don't want her to think that I am hiding things from her just because I didn't tell her sooner about my relationship with Caspian.

I tapped my fingers against my vanity table while waiting for her to accept my call. Ilang ring din ang narinig ko bago bumungad sa akin ang mukha ng kaibigan ko na nakataas ang kilay.

"Lo-"

"Hindi na kita tatanungin." sabay bigay sa akin nito ng nakakalokong ngiti.

"Janine.." 

"What? You must have a reason para hindi mo sabihin sa akin ang kung anong nangyayari sayo, Corrine. Atsaka alam ko namang sasabihin mo rin sa akin yun kapag handa ka na. I just caught you both in the act." may bahid ng bilib sa sariling saad niya.

"Nothing's going on between us." simpleng paliwanag ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"That's not what I saw."

Bumuntong hininga ako at inasar naman niya ako sa pamamagitan ng pagtaas baba ng kilay niya. Umiling lang ako at pinipigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa kalokohang ginagawa ng babaitang ito.

"It's complicated."

"Ayun, inamin mo rin. I am not against you having a relationship, Corrine. I am happy for you. There's just one thing that really bothers me at alam kong alam mo na dapat dinederetso mo yang si Caspian tungkol dito." 

"What is it?"

"He is destined to marry someone. Katrina Tiu, does it ring a bell?" she stated the obvious.

Honestly, hindi ko alam kung paano ko i-oopen ang topic tungkol sa fiance niya. I feel like I am stepping over a line that shouldn't be crossed at this early stage of our relationship. Natatakot ako na baka isipin niya na masyado naman akong nakikialam sa kanya gayong hindi pa naman kami magkasintahan talaga.

But I know I have the right to do that. Alam ko ring hindi ganong klaseng tao si Caspian. He knows how to listen and that's what I like about him. It's just me. I am the problem.

"You should open that topic with him, Corrine." payo niya.

"I know, I am just looking for a good moment to tell him." 

"Promise me?" pilit niya at tumango naman ako.

"I promise."

"O'sya, I'll be ending our call na. Kanina pa ako kinakatok ng kasambahay namin at may mga bisita kami dito." paalam niya and I just give her a nod before she ended our call.

Huminga ako ng malalim at humiga sa kama ko. I need to calm down for a moment, I know that lately I've been on edge lalo na ng payagan ko ang sarili kong maging close muli si Caspian. Sino ba namang hindi dahil para akong nakikipaglaro sa apoy. A very dangerous fire. 

Nakagawian na ng buong pamilya namin na bago mag-exams ay mag-ououting kami upang mag-release saglit ng stress kahit papano. Magandang way din kasi ito upang mas lalo kaming makapag-focus magpipinsan sa pag-aaral. Inililigpit ko ang gamit ko sa isang travel backpack ng tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Caspian.

"Hello?" sagot ko.

"Hi!" masiglang saad niya at hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa boses niya.

I have been in contact with him everyday pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na marinig ang boses niya sa kabilang linya. Those little thing makes my heart beats faster and I feel like any moment from now ay sasabog ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect (Montenegro Series #7)Where stories live. Discover now