05

43 3 1
                                    

Nakatulala akong nakaharap sa laptop ko. I've been sitting in front of this device for hours now because I can't seem to find the right words to type or compose an email. Para akong nabobo bigla sa paggawa ng email dahil sa pag-sesendan ko nito. Bakit pa kasi ako ang naatasan dito?

Napayuko ako at malakas na bumuntong hininga. After kasing iutos sa akin ng President ng journalism club ang special column na iyon ay sinang-ayunan ito ng mga officers at ibang club members kaagad. Wala man lang silang kaangal-angal kahit na bago palang ako sa club. Para nila akong inalay sa kulungan ng tigre at hinayaan kung magsu-survive ba ako o hindi.

"You can do it, Corrine. I believe that you can do it." sabay patong ng kamay ng President namin sa balikat ko.

"Hindi na po ba pwedeng mag-iba ang naka-assign dito?"

"It's a great opportunity for you as well. New member of the club pero may column na agad na naisulat. It will be a first for the school and for the papers." kumbinsi niya sa akin.

Wala na akong magawa kasi alam kong kahit pakiusapan ko ang mga kapwa ko club member ay hindi na nila tatanggapin ang pagsusulat ng column. Like they said, Caspian is hard to reach when it comes to matter like this. Kahit ang mga datihan ng member ay nahirapan at hindi nag-success, so why risk themselves.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at walang pag-aalinlangang nagtype ng message ko para sa kanya. Hindi ko alam kung mababasa man niya ito pero aaraw-arawin ko ang pag-eemail sa kanya hanggang sa sumagot siya. If that won't work then I might talk to him person. Sana ay hindi umabot ang task ko na ito sa ganon.

"Kamusta ang school paper?" tanong ni Janine sa akin.

Nandito kami ngayon sa library, tatlong araw na akong pauli-ulit na nag-memessage kay Caspian para sa interview but oh boy, the guy is ignoring my message. Napaka-unprofessional niya sa ginagawa niya. He should be training himself to check on his email everyday.

"Well, I am writing the first draft. Pwede ko naman sigurong gawin ang column ng hindi siya kinakausap diba?" 

"Ano yun? You will put words in his mouth. Nu-uh, Corrine." 

"Eh, anong gagawin ko? I've been emailing him for the past three days. Dalawa lang 'yan eh, it's either he's a snob or he's unprofessional. Hindi man lang niya ba magawang tingnan ang email niya. What's the use of his email if he's not checking it?" medyo malakas na saad ko.

Sinaway kami ng librarian kaya napayuko ako dahil sa frustration. Nagsimula akong magtype upang masimulan na kahit papano ang rough draft ng column na ito.

"Pwede mo namang personal na tanungin nalang siya?"

"Nu-uh. Not going to happen." dismiss ko sa suhestyon niya.

"Dalawa lang din 'yan, Corrine. It's either you don't want to or you are unprofessional." sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Look, alam kong ayaw mo ng mainvolve kay Caspian but how can you do a paper or a column about him without talking to him? Pwede pang mag-cause ng problema ang gagawin mo. I suggest that you swallow all your pride and just talk to him. You are a professional, right?" 

Tahimik ko lang siyang pinakinggan at hindi na sinagot pa. I know that she means well but I can't seem to take the fact that eventually I have to talk to Caspian about this column. Alam ko rin na tama siya na hindi ko pwedeng pekein ang interview ko sa kanya, mas lalo akong magkakaroon ng malaking problema kung gagawin ko yun. As much as possible, I want this column to be done so I can't be associated with Caspian once again.

"Paano iwan na kita dito?" tanong sa akin ni Janine na sinamahan ako hanggang sa floor kung nasaan nag-kaklase si Caspian. 

Dalawang araw din ang lumipas bago ko napagpasyahan na wala akong mapapala kung hihintayin ko ang reply niya sa sandamakmak kong email. Mukhang hindi naman niya tinitingnan ang email niya na iyon kaya mas mabuti na lapitan ko na siya at personal na imbitahan. I just hope that this plan of mine works this time.

Perfect (Montenegro Series #7)Where stories live. Discover now