08

60 5 0
                                    

I am dreading this day to happen. Kung pwede nga lang i-iskip nalang ang araw na ito ay gagawin ko ang lahat para lang mangyari iyon. Today is the mid-month report sa journ club kung saan irereport namin ang progress namin sa buong club. This is also a way to check if there is a progress with the project o kapag may problema sa isang column ng paper ay magagawan ito kaagad ng paraan. 

The main reason why I don't want to go there is because of Caspian. Because of what he did a couple of days ago. Ayaw ko lang na maintriga pa lalo sa kanya because nothing is happening with us. Nothing.

"Ngayon ang mid-month report niyo, diba?" tanong sa akin ni Janine habang nililigpit niya ang gamit niya.

"Hmm" matamlay kong sagot habang ginagaya ang ginagawa niya.

"Hindi ba dapat masaya ka at malapit na matapos ang project mong ito. Goodbye stress na."

"I don't think so." tinaasan naman niya ako ng kilay bilang pagkukwestyon sa sagot ko.

"Naalala mo yung kinwento ko sayo nung nakaraan?" tumango naman siya. "I'm sure the journ club will use that opportunity to grab the chance to have Caspian in the school paper next month." 

Tinawanan naman niya ako kaya inilingan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pagliligpit. Kahit kailan talaga tuwang-tuwa si Janine kapag nahihirapan ako. Napakabuti niyang kaibigan sa akin kahit kailan. Nang tumigil na siyang tumawa ay napa-angat na ako ng tingin sa kanya at may nginuso naman siya sa likod ko.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Rei sa akin ng magtama ang mga mata namin.

Nilingon ko muli si Janine atsaka marahong tumango sa paanyaya ni Rei. Minadali ko ang pagliligpit ng gamit ko at sinundan siya palabas ng classroom. Tahimik ko lang siyang sinusundan at napapansin ko rin ang ilang mga tingin ng schoolmates namin sa gawi namin. Dinala niya kaming dalawa sa loob ng botanical garden kung saan kukunti ang tao kaya medyo naginhawaan naman ako.

"I'm sorry for dragging you here. I know, wala na akong pakialam but I can't help but be worried for you." saad niya kaya napakunot naman ako ng noo.

"May namamagitan na ba sa inyo ni Caspian?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Wala." mabilis na tanggi ko.

Ang singkit niyang mata ay lalong naging singkit upang timbangin ang naging sagot ko. Medyo nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa ginagawa niya.

"Not yet." verdict niya kaya napatayo ako ng maigi.

"Walang kami, Rei."

Medyo naiinis ako kasi feeling ko ay nag-coconclude na agad siya ng hindi pa naman mangyayari. Mas lalo namang hindi ko naman hahayaang mangyari. Caspian is.. he's a different kind of specimen that you should be careful around. 

"I'm sorry. Hindi ako nandito para maging bitter ex. I don't care about Caspian anymore. I am more worried of you than him." sabay yuko niya.

"You don't have to worry. Wala namang mangyayari." seryosong saad ko at tumango siya pero alam kong hindi niya ako pinaniniwalaan.

"Caspian's family is powerful, Corrine. Alam ko namang kayo rin but they're different. They are back with many influential families, Chinese families to be exact. They will do anything in their power para lang maipakasal si Caspian sa isang Chinese. I just want you to guard your heart and be more careful. Mahirap kumalaban ng pamilyang matinding pinanghahawakan ang tradisyon nila." sabi niya at hinawakan ang balikat ko.

Nginitian niya ako at nauna na siyang lumabas ng botanical garden. It's the second time now that someone is warning me about my association with Caspian. I don't know why but the more that they warn me, the more I want to prove something to them. Umiling na lang ako at nagsimula ng maglakad papuntang journ club room. May mga napansin akong nag-uusisa sa akin kung may something ako sa katawan ko. Medyo nainis ako sa pang-uusisa ng mga tao kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Perfect (Montenegro Series #7)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora