07

39 5 1
                                    

Ilang segundo din ang ginawa kong pagpapakalma sa sarili ko upang masiguro ko na hindi na parang hinahabol ng kung ano ang puso ko. Inopen ko ang laptop ko at nagsimulang magtipa ng mga nalaman kong sagot sa tanong ko sa kanya kanina. Pinagmasdan ko kung paano siya maglaro habang nagtitipa ng mga posibleng i-describe sa paglalaro niya. Nang makaramdam akong may umupo ay inangat ko ang tingin ko at nakitang si Glen ito.

"Hi." bati ko at tumango naman ito sa gawi ko habang umiinom ng tubig. "Pwede ba kitang i-interview?"

"Sure, ano ba ang gusto mong malaman?" habang sinasara niya ang boteng iniinuman niya.

"How's Caspian as a teammate?"

"He's great." simpleng sagot niya at kinunutan ko naman siya ng noo na ikinatuwa niya. "Dapat ba mahaba?"

I pursed my lips before answering him. "Kahit ano naman." sagot ko and he chuckled slightly.

"He's great team player. Ilang taon na rin ng italaga siyang team captain ng team but he always exceeds our expectation when it comes to leading the team. Kaya din lagi namin siyang binoboto as team captain kada semester dahil sa ugali niyang ganon. Siguro ganon din kasi siyang tao. You won't see him does things in a mediocre level especially if he loves what he's doing." saad niya na may pagkamangha sa kaibigan.

"Is there a time that he lets down the team? If there is, nakabawi naman ba siya?"

Pinagmasdan ko kung paano siya bahagyang ngumiti na parang may naalala. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa pagkakaibigan na meron silang tatlo. I did judge them a bit because I felt like that their friendship is somewhat force dahil iba iba sila ng personality. I can't seem to convince myself that they were friends but hearing his words made me feel bad a bit.

"Meron naman. After all, he's human and I won't share it to you because its a personal issue." may nakakalokong ngiting sagot niya sa akin.

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagtitipa ng mga sagot niya. Naramdaman ko naman niya ang paninitig niya sa tinitipa ko kaya medyo naconscious ako pero hindi ko nalang siya pinansin. 

"May iba ka pa bang tanong?" tanong niya at may binulong na kung ano pa pero hindi ko siya maintindihan dahil sa pag-fofocus ko.

"Wala naman na so far. Thank you." sagot ko.

"Ako naman ang may tanong sayo." napatigil naman ako sa pagtitipa dahil sa sinabi niya.

"What is it?"

"Are you a strong minded person?" napakunot ako ng noo dahil doon. 

"I guess I am. Bakit?" he nodded before smiling at me and looking at where Caspian is.

Nakita ko naman itong nakapamewang at nakatayo habang pinagmamasdan ang mga teammates niyang naglalaro sa court. Nilingon ko muli si Glen at tumango naman siya sa akin.

"You need that. Maiwan na kita dito at papasok na akosa court at baka sunduin na ako dito." sabay tayo niya at takbo papasok sa court.

Hindi ko na pinansin kung ano man ang sinabi ni Glen. I stayed there silently observing and asking his teammates the same questions that I asked Glen. Napuputol nga lang agad dahil tinatawag na sila agad ni Caspian kapag nalalaman nitong nawawala ang mga ito sa court. Pero okay lang naman dahil nakakakuha naman ako ng importanteng impormasyon kahit na maikli ang nagiging interview ko sa kanila. Nang masatisfied na ako para sa agenda ko ngayong araw ay nagsimula naman akong gumawa ng assignment ko habang nakikinig ng music.

From: Janine

Kamusta ka naman diyan, te?

Chat sa akin ni Janine sa messenger kaya mabilis akong nagtipa ng reply ko. Sinabi kong okay lang ako at hindi pa tapos ang practice game nila Caspian. Mukhang focus kasi sila sa pagkokondisyon ng katawan nila para sa darating na inter-school competitions last na tingin ko sa kanila.

Perfect (Montenegro Series #7)Where stories live. Discover now