04

40 3 0
                                    

Naiilang akong naglakad papasok ng school dahil sa dami ng taong tumitingin sa gawi ko. Sanay naman akong napapansin ng iba because my cousins are quite loud and proud here sa school and some of the students know me pero iba itong ngayon. Kung ang tingin ng mga tao noon ay pagkakalilanlan dahil nakita na nila ang isa sa mga pinsan ng mga Montenegro ngayon halo halo ito. May ibang matataray na paniguradong mga taga-hanga ni Caspian. May ibang mga nakikiisyoso lang. May iba namang nginingitian siya.

May dumaang kumpol ng kalalakihan na alam kong mga basketball players na ngumiti sa akin. I know that Caspian is part of the team. I awkwardly smiled at them before walking away as fast as I can. I never felt more exposed in my life. Hinihingal akong umupo sa upuan ko at bumuntong hininga. Mas kinabahan pa ata ako sa nangyaring pagpasok ko kanina kaysa sa ginawa kong dare ni Kian sa akin.

"Buti at buhay ka pa." puna ni Janine sa akin na himalang maagang pumasok ngayon.

"I am barely alive." bulong ko na alam kong narinig niya. 

"May boyfriend ka kasing sikat." asar nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang ito sa akin kaya umiling naman ako.

Dumako ang tingin ko sa pintuan at nakita kong papasok ng classroom si Rei. Nagtama saglit ang mga mata namin bago niya ito iniwas at dumiretso sa upuan niya na nasa kabilang bahagi ng room. Sinundan ko siya ng tingin at hindi ko maiwasang hindi maguilty kahit naman hindi naman dapat dahil wala namang namamagitan sa amin ni Caspian. Pinagmasdan ko siyang masayang nakipag-usap sa mga kaibigan niya bago ako umiwas ng tingin at hinintay ang prof naman na alam kong parating na.

"Samahan mo na ako, Corrine. Gusto ko kasi nung ice candy na binebenta ngayon sa canteen. Please." pagmamakaawa sa akin ni Janine habang nililigpit ko ang gamit ko.

"Pwede namang ikaw nalang. May baon naman kasi ako."

"Dali na please. Ililibre kita ng gusto mo basta samahan mo lang ako." pagpipilit niyang muli. 

Bumuntong hininga ako at malakas naman siyang tumili. Ikinawit niya na ang braso niya sa braso ko ng tumayo ako at pinilit ang sarili kong lumabas ng classroom. I feel like I am walking into a lion's den by agreeing to accompany Janine to the canteen. As much as possible, ayaw ko munang lumabas labas ng classroom dahil sa mga nangyari. Siguro pahuhupain ko muna ang issue.

"Kung hindi naman totoo, bakit ka magtatago." iyan ang sabi sa akin ng magaling kong kaibigan. "You will act like you are guilty kapag nagtatago ka."

Pagpasok namin ng canteen ay bumungad sa amin ang maingay nitong surroundings. May ilang mga napatingin sa gawi namin pero ipinagpatuloy nalang ang pagkain o di kaya'y pag-uusap nila sa kaklase. Napansin kong medyo marami ang tao ngayon sa canteen at naalala na sabay nga palang nag-lulunch ang mga Senior High School.

"Anong gusto mo? Bibilhin ko." tanong sa akin ni Janine at tiningnan ko naman ang binebenta sa canteen.

"Kahit yung club sandwich nalang." 

"Okay, hanap ka na ng upuan natin." utos sabay tulak niya ng marahan sa akin palayo.

Tinalikuran ko na siya at agad naman akong nakahanap ng bakanteng upuan sa hindi kalayuan. Naglakad ako patungo don at nagulat ng may humawak ng upuan sa katapat ko kaya napaangat ako ng tingin. I gaped my mouth at him dahil hindi niya pa ako nililingon. Napansin ko ding unti-unting naging tahimik ang buong canteen.

"Corrine, right?" napabaling ako sa kasama niya kaya napabaling na ang lalaking nasa harapan ko sa akin.

"Glen. Glen Cho." pakilala ng lalaki sabay lahad ng kamay nito.

May pagkasingkit din ito kagaya ni Caspian at mukhang Chinese din katulad niya. He is a little bit shorter than Caspian and less bulky. Naka-army cut ito na bumagay sa itsura nito. Mas maputi siya ng kunti kaysa kay Caspian. Tinanggap ko ang nakalahad nitong kamay at agad binitawan pagkatapos.

Perfect (Montenegro Series #7)Where stories live. Discover now