03

41 3 0
                                    

Nakahiwalay kaming dalawa ni Caspian ng upuan kina Isla. The two probably did that so they can both talk kahit naman rinig na rinig namin ang pinag-uusapan nila sa kabilang table. Nakakunot ang noo kong nag-iiscroll sa cellphone ko ng ilapag ni Caspian ang tray sa lamesa namin. Binigay niya sa akin ang isang plato na may croissant at isang raspberry fruit tea.

"Hindi ko alam ang gusto mong inumin kaya yan nalang ang binili ko." saad niya habang nilalagay ang tray sa kabilang bakanteng lamesa.

"This is fine. Thank you." saad ko at agad na sumipsip sa fruit tea.

Tumingin muna ako sa paligid saglit bago ibinalik ang mga mata ko sa taong nasa harapan ko. Sa ganitong malapitan ay pansin na pansin mo ang pagkasingkit ng mga mata niya. Kung may maiihahantulad man ako sa itsura niya siguro ay si Jihoon yun ng Treasure, isang Kpop idol. He really fits the idol's physique and appearance. Bago pa maging awkward ang atmosphere sa paligid namin ay minabuti ko ng magsalita na.

"I didn't know that you have a sister." open ko ng topic at umiling naman siya.

"She's my cousin. Ang kapatid niya yung kanina. I am an only child." 

"Oh, good for you then." komento ko at kinuha na ang bread knife pati ang tinidor upang kainin na ang croissant.

Napatingin ako sa gawi nila Isla ng marinig ko ang malakas na tawa nila. Umiling ako at tahimik nalang na kumain. Medyo nailang naman ako habang naghihiwa ng tinapay dahil ramdam ko ang pagmasid niya sa ikinikilos ko. 

"Hindi ko alam na ganito ka pala katahimik. Your cousins are loud." 

"I am loud. Hindi lang ako close sayo kaya tahimik ako." straightforward kong saad.

"Hmm"

"I didn't mean to be rude." paumanhin ko at tumango naman siya bilang pagtanggap ng apology ko. 

Nagpatuloy ako sa pagkain at maya-maya lang ay bahagya kong inangat ang tingin ko sa kanya at nakita ko naman siyang nakasandal sa upuan sa harap ko. He is looking at me so inayos ko ang upo ko at tiningnan siya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon kahit hindi naman dapat ako kabahan. He's just Caspian. 

"Nag-usap na ba kayo ni Rei?" tanong niya at tumango naman ako.

"Nung sinabi mong mag-sorry ako ay ginawa ko na. She seems to accept my apology." saad ko. "Hindi pa ba kayo nagkakausap?"

"No, we did." 

Pinagmasdan ko ang itsura niya at nakita na medyo malalim ang iniisip niya habang nakatingin na ngayon sa croissant niya.

"Then why are you looking like that?" curious na tanong ko.

"Her parents pulled the engagement off." tumaas naman ang kilay ko.

Well, that's odd. Hindi ko alam na ganon ang mangyayari sa kanilang dalawa. Hindi ko pwedeng banggitin na alam kong ayaw niya ng sitwasyon nila ni Rei dahil sa aming dalawa lang yon ni Rei. If he did open that up to me, then makikinig ako.

"That bad?" tumango naman siya. "I'm sorry."

"Hindi mo naman kasalanan. Hindi ko rin naman gusto ang ginagawa ng parents ko sa pagpipikot sa akin." sabay kain niya ng croissant niya.

"Some tradition, huh?"

"That is pointless." sagot naman niya at tumango naman ako.

I didn't know how to feel about his situation. Hindi naman kasi ako i-aarrange marriage kahit kailan ng mga magulang ko. O siguro kahit sino sa mga pinsan ko ay hindi dadaan sa ganong tadhana. Pwera na lang kung kailangan talaga. But still, for me, it is wrong. Para mo na rin kasing hinahadlangan ang anak mong mabuhay ng malaya.

Perfect (Montenegro Series #7)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz