BOOK 4 > Ch. 10 ~ THE PARAMOUR'S VISITOR ~

9.5K 315 26
                                    



" If you love two women at the same time, choose the second one. Because if you really loved the first one, you wouldn't have fallen for the second. "











i...







Bakas sa mukha ni Elizabeth ang hindi maitagong ngiti pagkapasok niya ng conference hall para bumalik sa Engagement party. Nararamdaman pa niyang nangangalay na ang mukha niya sa kakapigil na hindi mangiti, as if kahit na sinong makasalubong niya ay magdududa kung bakit napakatagal niyang nawala. Naiisip pa niyang nababasa ng mga ito kung ano ang ginawa niya sa mga panahon na hindi siya napagkikikita sa event.

Inayos pa niya ang kanyang skimpy dress bago umupo sa kanilang mesa. Fortunately, wala pang bumabalik sa mesa nila. Nagkataong sa mga panahon na iyon, sa di kalayuang area ay nakatayo si Lebanon na may kinakausap na isa pang lalaki na akala mo'y wala ring nangyare habang ito ay wala sa mismong Engagement party nito.




For goodness sake, they had the most barbaric sex of all time, while the man's engagement party was being held downstairs.




Saktong pagtingin ni Elizabeth sa direksyon ni Lebanon ay parang naramdaman nito na nanduon din siya. Sa pasikretong pagkakaintindihan ay nag-ngitian sa mata ang dalawa na para bang ang mensahe na ipinaparating nila sa isa't-isa ay naiintindihan na nila kahit na walang usap na nangyayare.




" Kanina ka pa dito? Antagal mo naman? San ka ba nanggaling? "




Narinig ni Elizabeth na sabe ni Geneva ng maupo ito sa tabi niya. Nilingon niya ito at siya'y malapad na ngumiti.




" Sa c.r nga. San pa ba? By the way, Sissy. What time tayong aalis dito for the conference? "




Ang sabe ni Elizabeth na pilit binabago ang topic. Bago magsalita si Geneva ay pinagkatitigan muna ang kaibigan. Naisip niyang parang me nagbago sa kaibigan. Malamang ay guni-guni lamang niya ito. But she actually thought that her friend was glowing like the brightest star outside the universe. Na hindi nakabawas sa ganda nito ang pagkawala ng lipstick, o ng make up, o ang medyo nagulo nitong buhok. Ang mga mata ng kaibigan niya'y parang nagkaron ng extra spark. Napansin ni Elizabeth na tinititigan siya ng kaibigan.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016حيث تعيش القصص. اكتشف الآن