Chapter 8.1

173 5 2
                                    

Dati ay nagmamaktol kami ni Aida sa tuwing sinisipat ang kisame na lumang-luma na ang pintura. Ngayon ay tila naging napakaganda ng kulay nito sa aking paningin. Nakahiga pa rin ako habang hinihintay na kumalma ang puso ko. Si Rafael ay nakadapa at pilit isiniksik ang buong katawan sa tabi ko.
"Thank you," Rafael whispered and kissed the side of my lips.
Nilingon ko siya. "Para saan?" Hindi niya kailangan na magpasalamat. Ginusto ko rin naman ito.
Tumatagos ang pagtitig sa akin ni Rafael. "You're a virgin. You gave it to me. Dapat ay kay—"
"Kay Toby?" putol ko sa sinasabi niya.
Tumango siya.
"Hiningi niya, hindi pa 'ko handa. Pinilit niya ako, pero hindi ko kaya..." Umiwas ako ng tingin. "Wala raw akong alam pagdating sa... sa kama!" Tumawa ako upang hindi niya mahalata ang sakit na naramdaman ko.
"I'm sorry, Maze. Hindi ko alam na ganoon ang nangyari," nag-aalalang wika niya.
"Alam mo ba ang sinabi pa niya?" Nginitian ko siya. "Iiwan niya ako kasi hindi ako marunong. Pero bago pa niya ako tinuruan, winalanghiya na niya ako. May nakapagsabi sa 'kin na lumabas siya galing sa isang motel na may kasamang seksing babae. I confronted him and you know what he said?"
Malungkot na umiling si Rafael. Pinaglalaruan niya sa kaniyang mga daliri ang ilang hibla ng aking buhok.
"That it was my fault. Dahil hindi ko siya pinagbigyan." Sumiksik ako sa matipunong dibdib ni Rafael. Ikinulong naman niya ako. Naririnig ko ang pintig ng kaniyang puso. "Hindi man lang siya nag-deny. Sana nagsinungaling na lang siya," usal ko.
Huminga nang malalim si Rafael at humigpit ang yakap sa aking katawan. "If he denied, would you forgive him at that time?" he asked.
"Siguro," piksi ko. "Ewan ko."
May lamat na ang samahan namin kahit patawarin ko pa si Toby. Binura na niya ang tiwala ko sa kaniya. Ano pa ang matitira sa relasyon namin, maliban sa mga pagdududa at walang katapusan na sumbatan?
Naramdaman ko na naman ang pagbuntonghininga ni Rafael.
"Anong iniisip mo?" usisa ko.
"You preserved yourself for him, while you offered yourself to me..." he chuckled. "Am I even a choice?"
Tinampal ko nang mahina ang bahagya pang pawisan niyang dibdib. "Minamaliit mo ba ang sarili mo? You're a complete package, Rafael," I admitted.
Mahina siyang tumawa. Nakakikiliti ang nililikha niyang mga guhit gamit ang kaniyang mga daliri sa likod ko.
"Mabuti kang tao, Rafael," dugtong ko pa.
"Mabuti ba itong ginawa ko sa 'yo? I took advantage of you," Rafael whispered through my ears.
"Hindi mo ba nagustuhan?"
"Of course, I do. Can't you feel me getting so hard again right now?"
My cheeks suddenly got flustered. Mabuti na lang at hindi niya nakikita dahil nakasubsob pa rin ako sa kaniyang matigas na dibdib.
"Huwag mo itong gawing dahilan para magkasira kayo ni Toby..." sabi ko.
Huminto ang paggalaw ng mga daliri niya. "Sasabihin mo ba sa kaniya ang tungkol sa ating dalawa?" tanong niya.
I shook my head. Malalaman din ito ni Toby sa tamang panahon. At kung mangyari iyon, hindi lang ang pride niya ang matatapakan. Maging ang kaniyang pagkalalaki! Kagaya ng pagtapak niya sa pagkatao ko.
Ako naman ang nagtanong kay Rafael, "Ikaw? Sasabihin mo ba kay Toby?"
"I won't." Nanigas ang panga niya na nasa ibabaw ng ulo ko. "I will protect you, Maze. Kahit pa kay Toby..."
Gumalaw ako upang matingnan ang mukha ni Rafael. Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo. Nakaigting pa rin ang kaniyang panga. Nais kong alamin ang mga nasa isip niya ngayon subalit natatakot akong magtanong.
"Gusto mong kumain? May niluto ako," pag-iiba ko ng usapan. Ayaw ko na munang marinig ang pangalan ng ex ko. Isa pa, ngayon ko lang naisip na baka hindi pa naghahapunan si Rafael.
"It's already one in the morning, Maze," he reminded me.
"Hindi ka ba nagugutom?"
Bumaba ang tingin niya sa hubad kong katawan. "Ibang pagkain ang gusto ko..."

Teach Me, Use MeWhere stories live. Discover now