Chapter 1.3

276 7 0
                                    

DUMAKO ang tingin ko sa aking repleksyon sa de-salamin na dingding ng elevator. Tumatahip pa rin ang puso ko kapag naaalala ko ang araw na iyon na muli ko siyang nakita.

Muli kong nasilayan ang kaniyang makapal na kilay, ang mga mata niyang maamo pero matalim kung tumitig, ang katamtamang tangos ng ilong, at mapulang labi. Sa karamihan ay imposibleng hindi siya mapansin dahil sa tangkad na anim na talampakan. Palagi naman talagang napapalingon lalo na ang mga kababaihan kapag nariyan si Rafael. The Rafael Monte Carlo effect.

Sobrang elegante ng kaniyang suot at kagalang-galang. Malayong-malayo sa hitsura ko noong araw na iyon na ang suot ay simpleng t-shirt lang at maong. Nag-alangan ako kung hahabulin ko siya o hindi. Pero wala rin namang nangyari. Hanggang sa naulinigan ko na lang ang isang empleyado na sa araw na ito ay may meeting daw siya sa restaurant dito sa itaas ng hotel. Alam kong hindi ako makapapasok dito ng basta na lang. Kaya heto ang hitsura ko ngayon para bumagay —kahit mapagkamalan na waitress— dahil ganito kaseseksi ang suot nila. Ganito marahil ang gusto ni Rafael na suot ng mga waitress sa restaurant ng hotel niya. Upang malaya niyang mapaglaro ang mga mata sa katawan nila. Babaero talaga!

Lumunok ako nang sumagi na naman sa isip ko ang mga payo ni Aida. "Kailangan mo rin ng ibang lalaki, Maze. Iyong may alam sa kama. Para maipamukha mo sa Tobias Baltazar na iyon na hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Si Rafael Monte Carlo ay matagal nang may gusto sa 'yo. Hindi mo lang kasi siya pinapansin dahil palaging si Toby ang magaling. Pero alam ng buong nayon na isa ka sa dahilan kaya siya nandito sa Manila..."

Ipinilig ko ang ulo upang kalimutan ang mga sinabing iyon ni Aida. Galit ako kay Toby. Pero mas galit ako sa mayabang na Rafael na iyon. Mabuti na lang at nakorner ko sina Tatay at Nanay at napilit ko silang magtapat sa akin.

Hinawakan ko nang mahigpit ang bag na naglalaman ng makapal na sobre. Ito lang ang dahilan kaya ibig kong makipagkita kay Rafael. Ito lang at wala nang iba.
Tumunog ang hudyat sa pagbukas ng elevator. Minsan ko pang inayos ang suot ko bago tuluyang humakbang.

Sinalubong ako ng lamig ng aircon. Iginala ko ang mga mata sa karamihan ng mga taong nakapormal na suot habang kumakain sa loob ng eleganteng lugar. Alam ko, hindi ako nababagay rito.

Tumindig agad ang mga balahibo ko nang mamataan ko ang aking pakay. The arrogant yet ever handsome Rafael Monte Carlo was sitting tall, confidently in front of all executives.

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon