Chapter 1.2

301 6 0
                                    

GUSTO ni Toby na gawin namin ang bagay na iyon pero tumanggi ako. Sinubukan ko rin naman dahil mahal ko siya. Ilang beses kong pinilit na ibigay sa kaniya ang gusto niya. Ngunit nangibabaw pa rin sa akin ang takot at pagnanais na maiahon sina Tatay at Nanay.

Gusto kong maghanapbuhay rito sa Manila at makapag-ipon para makatulong sa pamilya ko. Iyon lang naman ang hiling ko kay Toby. Kaunting panahon lang. Pero sa kasagsagan ng bagyo —kung kailan nagtumbaan halos lahat ng mga puno ng mangga at inanod ng baha ang mga bunga— iyon pa ang napili niyang araw para ipamukha sa akin na may iba na siya.

Inamin ni Toby na may nangyari nga sa kanila ng kung sino man na babae kaya iiwan na niya ako. Hindi ko naman daw kayang ibigay ang gusto niya. Dahil kulang daw ang pagmamahal ko sa kaniya. He wanted to convince me that sex is the essence of a perfect relationship.

Walang kasingsakit. Nakaiinsulto. Hindi ganoon ang alam kong batayan ng tunay na nagmamahal. Hindi pangpisikal, hindi katalinuhan o kayamanan. Naniniwala akong ang pag-ibig ay kayang maghintay. Hindi namimilit. Hindi nanghuhusga.

"Maze, sorry..." malungkot na sabi ni Aida at hinaplos ang likod ko.

Matamlay ko rin siyang nginitian. "Pag-iisipan ko, okay?"

"Ayos ka lang ba? Gusto mong huwag na muna akong umuwi sa atin? Punta tayo sa mga bar? Hanap tayo ng mga magtuturo sa atin kung paano makipagtalik?" pagbibiro niya.

"Tumahimik ka na nga sa mga sinasabi mo!" pigil ko sa kaniya. "Saka kailangan ka rin sa inyo, Aida. Hindi pa nakababawi ang mga kanayon natin sa nagdaang mga kalamidad. Susubukan kong kausapin si Rafael. Baka may alam siya na puwede kong pasukan. Pagbalik mo, ikaw naman ang hahanapan natin ng trabaho. Kahit ano lang, basta marangal."

***

NAKASAKAY na ako sa elevator paakyat ng hotel pero iyong mga sinabi pa rin ni Aida ang nasa isip ko. Ilang buwan na rin noong huli kong nakita sa probinsiya si Rafael. Dumalaw lamang siya roon upang magpaalam sa aming lahat na kanayon niya. Nagdesisyon siyang dumito na sa Manila manatili. Matalik siyang kaibigan ni Toby na sinuwerte at ngayon ay may sarili nang hotel.

Mapakla akong tumawa. Sinuwerte lang si Rafael Monte Carlo dahil sa mga umampon sa kaniya. Isali pa ang namatay na mayamang biyuda na nakarelasyon daw niya. May mga ipinama raw sa kaniya na limpak-limpak na salapi. Balitang-balita sa buong nayon kung gaano katinik sa babae si Rafael. Dinala niya ang abilidad niyang iyon sa Manila at ginamit ang utak upang makabingwit ng mayaman. Kinikilabutan ako sa tuwing maiisip ang mga sabi-sabi patungkol sa kaniya. May mga tsismis na nilason daw niya ang mayamang biyuda na iyon para mapasakaniya na ang mga kayamanan nito. Ngayon nga ay nagpapakasasa na siya sa yaman.

Sobrang laki at ganda ng hotel na ito na nasa sentro ng Manila at pag-aari na niya. Ilang bloke lang ang layo nito sa tinutuluyan naming apartment ni Aida.
Pang-apat na beses na akong pumarito. Hindi ko matiyempuhan si Rafael dahil ganoon siya kaabala. Kilala na nga yata ako ng guwardiya rito. Sinubukan kong magpa-book ng appointment sa sekretarya niya, pero sa isang buwan pa raw ako maaaring harapin ni Rafael.
Minsan ay inabangan ko siya sa lobby ng hotel at halos matalisod pa ako kasusunod sa kaniya pero mabilis na siyang nakasakay sa magara niyang sasakyan.

Dumako ang tingin ko sa aking repleksyon sa de-salamin na dingding ng elevator. Tumatahip pa rin ang puso ko kapag naaalala ko ang araw na iyon na muli ko siyang nakita...

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon