Chapter 4.3

178 3 2
                                    

Sa palagay ko, stress siya sa trabaho kaya ang init ng kaniyang ulo. Pero bakit naman ako ang hinugot niya para pagbuhusan ng kaniyang init ng ulo?

Umakyat kami sa penthouse ni Rafael. Dalawang beses na akong nakakapasok dito. Naisip ko tuloy kung ganito ba kadali ang pumasok sa espasyo ng may-ari ng Monte Carlo Hotel. Labas-pasok ba talaga ang mga tao rito lalo na ang mga babae?

"Stay here. Huwag kang aalis," utos niya.

"Sandali!" pigil ko sa kaniya. Tumalikod na kasi siya pagpasok ko at mukhang iiwan niya ako rito sa loob ng kaniyang penthouse!

"What, Maze?" tila nauubusan ng pasensiyang tanong niya.

"Iiwan mo 'ko rito?" usisa ko.

"Oo," yamot na tugon niya.
"Anong gagawin ko rito?" Lumaki ang mga mata ko habang inililibot sa malaking bahay.

"Bahala ka!" masungit na sabi.
"Ano?" gulat kong tanong.
Hayan at tumalikod na naman siya at mukhang hindi nga nagbibiro na iiwan ako rito.

Hinabol ko si Rafael at humawak agad ako sa matipuno niyang braso.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" untag ko. "Ngayon ang simula ko sa trabaho. Nakakahiya kay Sir Lucas at Mang Fidel kung basta ko na lang iiwanan ang ginagawa ko."

Matalim niya akong tinitigan. "Ako na ang bahala roon."

"Hindi!" protesta ko. "Baka matanggal ako."

"Ako ang boss dito, Maze," pagtitiyak niya. Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang braso. "Kung gusto mo ng trabaho, dito ka sa bahay ko. Maraming gagawin dito. Magluto ka, maglinis ka, maglaba ka!"

"Ano?" Gagawin ba niya akong kasambahay niya? Ang daldal pala niya kapag may sumpong!

"Kung ayaw mong gawin, fine! Matulog ka..." Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Bumuga siya ng hangin at pinamulahan ng mukha. "Maligo ka. Tanggalin mo iyan..."

Ako naman ang pinanginitan ng pisngi. Anong gusto niya? Ipatanggal ko ang dibdib ko?

"Marami akong damit sa kabinet ko. Gamitin mo..." sabi niya ulit.

Ah, damit naman pala. Akala ko ay dibdib ko ang pinatatanggal niya dahil doon siya nakatitig. Teka lang nga!

Umapaw ang dugo sa buo kong katawan, lalo na nang mapatingin ako sa bibig niya. Nakabukas iyon at binabasa pa niya ng dila ang labi. Is he teasing me again? Flirting? Seducing me?
Ano man ang ginagawa niya, epektibo iyon. Bumibilis ang pintig ng puso ko at parang gusto kong tikman ang kaniyang labi. Ah, teka lang talaga!

Bumuga ako ng hangin at ipinilig ang ulo upang burahin ang nasasaisip na kalokohan. Surely, I wasn't feeling anything for him. Masyado lang akong pre-occupied dahil sa mga payo ni Aida.

"S-Sige. Kung iyon ang gusto mo. Dito lang muna ako," napipilitang sang-ayon ko. Kinagat ko ang labi ko at saka tumagilid. Pinilit kong ihakbang paatras ang mga nanginginig kong mga paa.

"Good," he said.

Sobrang lambot ng sopa at nakaeengganyong mahiga. Napaupo na lang kasi ako rito nang mawala na si Rafael nang tuluyan sa paningin ko. Pero hindi naman ako mahihiga rito... dahil ang gusto ko ay sa kama niya.

Sinabunutan ko ang sarili. Naloloka na yata ako. Hindi ko na maintindihan ang mga naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto ni Rafael na makulong dito sa penthouse niya. Paano ang nasimulan ko na sanang trabaho?

Inabala ko na lamang ang sarili sa pakikialam ng mga gamit ni Rafael. Balak ko sanang silipin ang mga kuwarto rito pero nagdalawang-isip ako dahil baka may CCTV camera pala.
Halata naman na may tagalinis siya rito dahil malinis at presko ang buong bahay. Puno rin ng mga sariwang gulay at prutas ang refrigerator niya. May mga nakahandang microwavable meal pa na iba't iba ang putahe.

Dalawang pelikula ang natapos kong panoorin at hindi ko na namalayan ang oras. Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman kong may tumabing sa katawan ko.

"R-Rafael?"

Teach Me, Use MeWhere stories live. Discover now