Chapter 7.2

145 6 1
                                    

"M-Maramdaman ko lang na may isang lalaking nagpapahalaga sa 'kin. Iyong kaya niyang iparamdam sa 'kin na kailangan din niya ako. Kahit turuan lang, kahit sa kama lang... kahit sandali lang. Teach me. Use me. Pero kung hindi ka papayag..." Umatras ako ng isang hakbang. "Okay lang, Rafael. Hindi kita pipilitin."
Ilang segundong tila naglalaban ang aming mga tingin. Walang gustong bumitiw. Walang gustong kumurap.
Hindi ko na uulitin pa. Kung aalis siya, maiintindihan ko. Kumplikado ang hinihiling kong ito sa kaniya. Matalino siya at alam niyang ginagamit ko lang siya. Nakapapaso ang apoy na inihahain ko sa kaniyang kandungan. Hindi ko iniisip ang bukas. Ang maaaring maramdaman niya, o kung ano ang nararamdaman niya ngayon. O kung ano ang mangyayari sa akin 'pag natuloy ito.
Halos mapigtal ang hininga ko nang humakbang siyang muli palapit sa akin. "No strings?" he asked, looking intently at me.
"No strings," I whispered.
"No feelings?" Nahuli ko ang pagkuyom ng palad niya.
Ilang ulit akong umiling. "No feelings."
Marahas ang pagbuga niya ng hangin kasabay ng pagsugpo niya sa nakaharang na pagitan sa aming dalawa.
Hanggang natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinahalikan ni Rafael sa labi. Mariing mga halik habang hawak niya ang batok ko. Walang kuwenta ang unang pagdampi ng labi niya noong isang gabi sa aking labi, kung ikukumpara sa mga halik niya ngayon. His kisses this very moment were not only possessive, but obsessive and incredibly aggressive. Parang madudurog ang labi ko.
Napaungol ako nang marahas na dumapo ang isang kamay niya sa dibdib ko. "R-Raf..."
"Fuck!" he snarled.
Dumiin pa ang mainit niyang kamay. Nagmamadali ang sumunod niyang mga halik. Sa aking panga, sa aking leeg, at sa likod ng tainga ko.
Pinagapang ko rin ang mga kamay ko sa malapad at matigas niyang dibdib. Ang tibok ng kaniyang puso ay sumasabay sa dagundong na nasa dibdib ko. Napakislot siya nang tamaan ko ang dunggot doon. He's so warm and sensitive.
"You really sure about this, Maze?" Rafael whispered harshly.
"Yes," I replied without any sign of hesitation.
"Don't blame me if I give you mind-blowing sex."
I shook my head. "No. Pangako, hindi kita sisisihin. Gawin mo ang lahat. Lahat ng gusto mo..." anas ko.
"Damn it!" Bigla akong kinarga ni Rafael. "Saan ang kuwarto mo?"

Teach Me, Use MeWhere stories live. Discover now