Chapter 33 - Life

993 10 0
                                    

AYA

Mabilis na lumipas ang panahon. Malaki na ang tiyan ko dahil 6 na buwan na ito. Excited na kaming lumabas sila and it was confirmed we will have twins. Nagiisip na din kami ng pangalan ng kambal. At ang kanilang ama di magkanda ugaga sa pamimili ng mga gamit. Sa tuwing may check up kasa kasama ko si Gab. Hindi niya ako iniiwan basta basta at mayroon na kaming kasa kasama sa condo.

Pagkatapos ng check up ngayon may pupuntahan daw kami ni Gab. Huminto kami sa isang village sabi niya may party kaming aatendan. Gulat ako ang ganda ng bahay at may pool pa ito. Di ko maexplain pero sobrang ganda at malaki din ang garden. May mini playground pa at may parang cute na kubo sa gilid. Parang ang sarap doon. Maraming mga halaman at Bermuda grass ang paligid na kala mo at floormat.

Pagpasok naming sa loob.

"SURPRISE!!!!!" sabi ng mga naroon. Andoon ang pamilya ni Gab kahit ang pamilya at mga kapatid ko at malalapit na kaibigan. Isang salo salo sa napakandang bahay

"Welcome to your house baby." Bulong sakin ni Gab at iniabot ang susi. Hindi ako makapaniwala. Napakaganda ng bahay. Hindi ako makapaniwala na bahay naming to. This is too perfect. Halos maiyak ako sa tuwa. Naging masaya ang salo salo sa bahay. Puno ng kaligayahan.

Kaya pala tila natataranta si Gab ng mga nakaraang buwan ay dahil sa bahay na to. Nailipat na ang dapat ilipat. Yon din pala ang dahilan kung bakit nagpumilit siya na magtagaytay kami ng dalawang araw bago paycheck up at nag check in sa hotel nila. Nililipat ang mahahalagang gamit sa bahay. I was so thankful kasi doon muna sila mama hanggang sa manganak ako maliban sa kapatid kong lalaki at mga ate ko dahil may mga trabaho sila

"Bessy! Im so happy for you." Agad na lapit ni Joana at hinawakan ang tiyan ko.

"Bessy! Ninang ka ng kambal ha." Agad kong sabi.

"Oo naman bessy!" ngiti niyang sabi.

"Bisitahin mo ako lagi ha."

"Ikaw pa malakas ka sa akin."

Gabi na ng umuwi ang mga bisita. Nasa may labas kami ng magpaalam na sila. Biglang dumating ang isang pamilyar na mukha. Si Aine.

"Aya congratulations. You are such a lucky woman." Maarteng sabi ni Aine.

"Aine please. Stop this. Tama na! Tumigil ka na!" galit na sabi ni Gab. "Muntik ng napahamak si Aya dahil sa ginawa mo."

"Yon nga ang panalangin ko ang mamatay siya!" biglang nilabas ni Aine ang baril at pinaputok halos di ako makagalaw pero nakita ko na natumba si Gab kasabay ng lakas ng putok ng baril. Mabilis na pinigil ni Mark si Aine. Maliit lang na babae si Aine kaya madali siyang napigil ni Mark. Gulat ako sa pangyayari at niyakap ko si Gab. Duguan siya at may tama ng baril sa likod.

"Gab wake up! Gab!" iyak kong sabi.

"Baby.. Im glad you are safe."mahina niyang sabi. Agad na tumawag ng ambulansya ang dad ni Gab. Hindi na ako pinasakay sa ambulansya dahil sa kondisyon ko ang dad niya ang sumama doon at madaling nagdrive kami nila Mark kasama ng mama niya at ng daddy ko. Naiwan si mama at mga kapatid ko sa bahay. Si Aine dinakip na ng mga pulis.

Ang dad na ni Gab ang umasikaso ng lahat dahil sa masilan kong kondisyon. Natatakot din sila sa kalagayan ko at ng kambal sa tiyan ko. Pinapakalma ako ng mommy ni Gab dahil baka mapremature labor ako.

"Aya don't worry. Gab is a tough guy. Makikita mo magiging okay din siya." Sabi ng mom ni Gab.

After few hours nasa kwarto na si Gab. Agad akong pumunta at hinawakan ang mukha niya.

"Gab be strong. We are waiting for you." Bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo. Pilit na akong pinagpapainga ng mommy ni Gab. Pero hindi ko kaya. Gusto ko samahan ang asawa ko. Pag may nangyaring masama sa kanya hindi ko kakayanin. Hindi ko kaya na pati siya mawala din. Hindi ko na kakayanin pa.

When You're GoneWhere stories live. Discover now