Chapter 12 - New Friendship or?

530 11 0
                                    

Ang ganda ng gising ko kasi Tuesday na. Kailangan kong mag ayos para sa lakad namin.  After shift daw niya ililibre niya ako. Pero hindi naman yong libre ang gusto ko kundi siya ang makasama siya. Magsusuit sana ako pero wala naman akong meeting o kaya business operation na kailangan ko na naka formal. Nagsuot nalang ako ng simpleng polo at pantalon.

"Sir, masyado kang excited ah. 7am palang pupunta ka na. diba mga 9am pa usapan niyo" Sabi ni Mark.

"Hindi pinaghihintay ang mga babae! Saka para masaya hehehe." Natutuwang kong sabi.

"Sir, bakit naman kasi HR pakilala mo sa kanya baka naman kasi magalit yon. Di ka dapat nagsisinungaling na ikaw ang may ari ng building at ikaw pa ang CEO ng call center sa building na yon." Concern na sabi niya sakin.

"Kasi parang napansin ko na binaba niya sarili niya agent daw siya pero parang may posisyon naman siya, masyado siyang humble. Saka kasi pag nalaman niya ako may ari baka layuan ako non eh, mahirap na." tugon k okay Mark.

"Sir, kala ko naman tini-test mo siya na baka pera lang habol niya sayo tulad ng ibang mga babae na nadadate mo noon yong mga mukhang pera at katawan mo lang ang habol at ang mukha mo. HAHA!" Natatawa nyang sabi at bigla ko kasi siyang nabatukan.

"Manahimik ka na nga diyan. Aalis na ako. I lock mo nalang after mo ayusing yang files." Utos ko sa kanya at umalis na ako. Dala ko ang Audi car ko at pumunta na sa building. Nasa may lobby lang ako. 7:30 am na matagal tagal pa akong maghihintay pero okay lang. Hwag sana siyang makulong sa elevator, kung sakali man dapat kasama niya ako hehehe.

Habang papalapit ang oras lalo akong nagiging excited. 8am na lagi ako napapatingin sa elevator baka kasi lumabas na siya. Nakita ko siya palabas ng elevator may mga kasama at nakikipag usap doon sa isang lalaki. Naiirita ako gusto ko sanang lumapit pero naalala ko na sabi niya ayaw niya ng issue. Napatingin siya sa gawi ko na parang nagulat. Nakita ko na nagsenyas siya ng parang wait lang at tinuro na parang aakyat siya sa kabilang elevator. Sumenyas din ako ng okay at dito lang ako maghihintay. After 30 minutes bumaba na siya at nagmadaling lumapit sakin.

"Labas na tayo. Dali baka makita ako eh hehe." Pabulong niyang sabi. "Madami kasing mata eh alam mo na."

"Sa parking lot tayo may dala akong kotse para di ka na makita." Tugon ko sa kanya.

"Sige hehe pasensya ka na ha. Alam ko naman walang masama na manlibre kaso yong mga mata sa opisina lagging naghahanap ng topic ayaw ko kasi ng ganon eh." Mahina niyang sagot na tila nahihiya. "Saka baka ano sabihin nila HR ka pa naman, baka isipin nila na kumakapit ako sa mataas tulad ng chismsis nila dun sa kakilala ko, mga crab kasi eh alam mo na." natatawa niyang sabi. Naghihintay kami sa elevator para makapunta kami sa basement kung saan nakaparada kotse ko. Ng biglang nakita ko yong lalaki na kausap niya kanina.

"Oh Aya, kala ko nakauwi ka na? sabay ka na ba?" tanong nong lalaki.

When You're GoneWhere stories live. Discover now