Chapter 23 - Our confession

420 7 0
                                    

AYA

                                                                                                                                    .

Isang linggo na mula ng huli kaming mag usap ni Gab. Hanggang ngayon tila nahihirapan ako. Sa kabila ng lahat namimiss ko siya. Siguro oras na para buksan ko ang puso ko? Pero paano? Bahala na muna siguro.

Ibinuhos ko ang oras ko sa pag tatrabaho. Sa mga panahong to alam ko na busy din siya. Natatawa ako pag naiisip ko na gusto niya akong isama sa Japan. Seryoso ata talaga siya sakin. Masakit siguro sa kanya na sabihin ko na nakikita ko si Zee sa kanya. Pero iyon ang totoo magkaugali sila. Lalo na sa pagtingin sakin... the was he says I love you... pareho ng kay Zee. Gusto ko kung mamahalin ko man siya, bilang siya hindi dahil nakikita ko si Zee sa kanya dahil alam ko na masasaktan ko siya sa ganong pagmamahal.

1 buwan ang lumipas pero wala parin siya.. Napagtanto ko. Miss ko na nga siya. Gusto ko siyang makita.

Pumunta ako ng sementeryo para bisitahin si Zee.

"Zee I will try to love again. I will keep my promise for you.. I love you Zee." Bulong ko at tila niyakap nanaman ako ng hangin.

"I love you more." Tila narinig ko siyang bumulong.. Bigalang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng luha sa aking mga mata.

"Sorry kung pinag alala kita ng ganito Zee. Hayaan mo magiging masaya ako. Magiging maayos ang lahat. Till we see each other again Zee.. I love you ang will always will."

Basang basa ako ng ulan ng umuwi ako. Tila may bagyo pa ata. Sana naman safe na nakauwi si Gab. Miss ko na siya. Nakaramdam ako ng matinding hilo at nanghihina. Pakiramdam ko magkakalagnat ako. Malas naman inuubo pa ako.

"Itutulog ko nalang." Sabi ko. Nakatulog ako pero ramdam ko ang ginaw at panghihina. Makabili nga muna ng gamot. Agad akong lumabas para bumili.

"Oh iha may sakit ka ata." Tanong ni Nanay Marites.

"Sinat lang ho ito, mawawala rin po." Sabi ko at nagmadali ng akong umuwi para makapagpahinga. Iinumin ko na sana pero tinatamad ako at parang hinihila ako ng higaan ko. Nakakaantok. Nakatulog ako uli pero mas lalo kong nararamdaman ang panginginig at katamaran.

Umaga na ako nagising at tila umuulan parin. Ang sama sama talaga ng pakiramdam ko. Agad akong tumawag sa boss ko para magsabi na may sakit ako.

Mula kagabi di pa ako ginugutom at nakakatamad talagang kumain pag may sakit. Pakiramdam ko miss na miss ko si Gab. Gusto ko siyang makita.

When You're GoneМесто, где живут истории. Откройте их для себя