Chapter 28 - Nothing has changed to her.

430 6 0
                                    

AYA

Masaya ako ng sabihin ni Gab na aprobado na sa magulang niya ang kasal namin. Soon I'll meet them once na makauwi na ang mama niya galing US. Sana maayos na ang lahat. Nasa office ako at pag akyat ko sa admins office kung nasan si Gab ay nakasalubong ko si Aine. I was surprised wala na ang galit ko sa kanya. Siguro hindi ko lang napansin pero napatawad ko na siya.

"So andito ka parin pala?" sarcastic niyang tanong.

"Uhmm yes. Look Aine. You need to let go of the anger in your heart. Tapusin na natin to move on." Kalmado kung sabi sa kanya.

"Huh? Ikaw ba talaga yan Aya? Dba lagi mo akong sinisisi sa pagkamatay ni Zee?!"

"I'm sorry Aine." Napuna ko ang gulat sa mga mata niya.

"You are indeed pathetic loser Aya." Maarte niyang sabi medyo naiinis na ako pero kinakalma ko lang ang sarili ko.

"Look Aine, kung andito ka lang para awayin ako tama na... tapusin na natin to. Hindi maganda na puro galit ka nalang. Im sorry if I hurt you if I blame you." Putol kong sabi ng magsalita siya.

"Nagpapatawa ka ba Aya? Hindi ako pumunta dito para sayo. Andito ako kasi mag de-date kami ng boyfriend ko."

"Boyfriend?" tanong ko.

"Yup at siya lang naman ang may ari ng kompanyang to. Kaya kapag kinasal kami mag ballot balot ka na." masaya nyang sabi at tila natigilan ako kasi ang alam ko si Gab ang may ari ng kompanyang to.

"May ari?" tipid kong tanong na nagtataka.

"Yup. I know na kilala mo siya. Si Gabriel Montemayor." Proud pa siyang binanggit ang pangalan ng fiancee ko. Tila natigilan ako pero natawa nalang ako. Kung di siguro kami nagsasama ni Gab baka maghinala na ako.

"Ahh. Ganoon ba Aine. Pero siguro mali ka." Mahina kong sabi sa kanya.

"Ayan nga oh papalapit na siya sa akin." Sabi niya na tila excited pang lapitan si Gab. Pero ang ngiti niya ay nawala ng lagpasan siya ni Gab at halikan ako. Nakita ko ang pagtikom ng kamao niya at galit sa mata niya.

"Baby, hows work everything good?" tanong ni Gab sa akin. "What are you doing here Aine?"

"Wa-wala." Sagot nito. I feel bad for her kasi talagang napanhiya siya sa ginawa niya.

When You're GoneWhere stories live. Discover now