Chapter 19 - Gab's confession and Missy's confession and Aya's confusion.

484 10 1
                                    

GAB

Habang nanonood kami nakatulog na si Melissa. Kailan kaya ako mapapansin ni Aya? Kailan niya kaya marerealize na gusto ko siya?

"Nakakatuwa si Mel no, kung ako kaya magkaka baby sing cute at kulit niyan?" tugon ko kay Aya

"Siguradong maganda lahi mo." Sagot nya sakin. "Dapat sayo mag asawa na haha."

"Wala pa si soon to be Mrs. Montemayor eh, mukhang natrapik pa at hindi pa ako napapansin" biro ko.

"Ha? Sa gwapo mong yan hindi ka mapapansin? Ang shunga naman pala nya." Bigla niyang sinabi sakin

"Hindi naman baka may pinagdadaaan lang." seryoso kong sinabi at napaisip na kung paano ko ipaparamdam sa kanya.

"Sana mapansin ka na niya, para magkaroon ka na ng baby." Kung para sa kanya biro lang yon para sa akin mahalaga ang bagay na iyon ang maging akin siya at bumuo ng pamilya kasama nya.

"Pero sana mapansin na niya sigurado magiging masaya ang pamilya nyo. Huwag mo akong kalimutan kapag may pamilya ka na ha pwede mo akong gawing ninang ng magiging anak mo." Ngiting sabi ni Aya.

"Ikaw Aya wala ka pa bang planong mag asawa, lalo pat mag isa ka lang mas maganda may makakasama ka sa buhay." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko na naisip ang ganyang bagay, para sa mga bata lang yan. Saka wala na yong taong mahal ko though di naman kami magkakaanak." Malungkot niyang sabi.

"Pero gusto mo magkababy?" tanong ko sa kanya.

"Oo, para may isang masayang pamilya yong baby kasi bubuo non, pero nakakatakot manganak nu sabi nila masakit daw ako napakasensitive ko pa naman sa sakit." Natatawa niyang sabi.

"Ang swerte ng magiging asawa mo kasi napakaloyal mo tas mabait tas maasikaso.."

"Hahah hindi naman eh." Bigla siyang natigilang ng magkatitigan kami at bigla siyang bumawi na tila naiilang. Pakiramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita pating namumula siya. Pakiramdam ko na pepe ako buti nalang dumating si Nanay Marites para kumain na kami ng tanghalian at saktong gising naman ni Melissa. Matapos kumain inaya kami ni Mark manood ng iba pang movie lovestory pa at ang palabas pa at THE NOTEBOOK. Nakakaiyak ang movie na yon.

"Kahit madaming beses ko na napanood yan naiiyak parin ako." Sabi ni Aya. "Ay yong panyo mo nga pala!"

"Saka mo na ibalik." Tipid kong sagot sa kanya.

When You're GoneWhere stories live. Discover now