Chapter 10 - Gab?

758 11 0
                                    

MAN IN A SUIT (GAB)

"Oo, Aya bata pa talaga yan si Sir! A-aray.." naputol na sabi ni Mark ng apakan ko siya. "Sir naman para san yon?"

"Ang daldal mo kasi eh." Mahinang sabi ko at napuna ko na tila natatawa si Aya.

"Bakit sir nasa kalendaryo pa naman ang edad mo eh! Saka Aya mabait yan, saka masipag saka... a-aray!" natigil nyang sabi dahil tipanakan ko na talaga siya ng malakas.

"Nakakatuwa kayong dalawa, para kayong magkapatid na nagkukulitan." Natatawang niyang at napangiti ako.

"Aya, doon ka ba nagtatrabaho sa building na yon?" tanong ko sa kanya.

"Oo 3 years na ako nagwowork doon..as a coaa.. uhm.. as.. as call center agent." Nakangiti niyang sabi.

"Ah kalain mo yon Maam kasi si sir may ari—aray!" echusero talaga tong assistant ko.

"What a coincidence. Doon din kasi ako sa building na yon nagtatatrabaho.. ano ako doon.. HR!" ayaw ko kasing malaman niya na ako ang may ari ng building hehe nakakahiya kasi baka sabihin niya ang yabang ko.

"Talaga ang galing naman..Pwede mo ba taasan ang sahod ko?" pabiro niyang sabi.

"HAHA sige ba!" natatawa narin ako ang dali niya talagang makagaanan ng loob.

"HR kuno" bulong ni Mark kaya tinitigan ko na siya.

"Sir bago ka lang ba doon kasi bago lang kita nakita?" tanong niya sakin.

"Gab nalang Aya.. Sa totoo lang bago lang ako kaka 1 week ko palang doon." Sagot ko sa kanya.

Hindi naming napansin ang oras sa pagkukwentuhan at talagang masaya kami kahit may asungot na Mark na nakikisabat. Masaya akong makita na tumatawa siya. Pero ang mga mata niya hindi parin. Iba parin ang dating ng mga tingin niya. Tila nangungulila at puno ng lungkot at sakit. Kailangan kong maalis sa mata niya ang lungkot at sakit na yon.

"Hala, late nap ala di ko na namalayan ang oras. May pupuntahan pa ako. Gab, Mark salamat talaga sa inyo. Aalis na ako." Sabi niya at tatayo na ng piglan ko.

"Hatid na kita Aya." Sabi ko sa knya habang hawak braso niya.

"You've done more than enough to help me at babawi din ako sa'yo Gab. Nasan pala ako?" tanong niya sakin.

When You're GoneWhere stories live. Discover now