Chapter 11 - Friends?

504 14 0
                                    

AYA

Nang nakapamili ako agad na akong pumunta sa sementeryo. Napansin ko na may naglinis na at may bumisita. Baka kamag anak. Agad kong nilagay ang dala kong chocolate cake pambawi sa kanya dahil late ako.

"Zee, alam mo masarap palang tumawa uli. Nakalimutan ko na nga eh mula ng nawala ka. Pero dahil sa mga agents ko na makukulit napatawa ako. Alam mo ba nakulong nanaman ako sa elevator na yon. Grabe nga umabot ng 2 hours. Buti nalang may kasama ako that time. Tinulungan niya ako. Zee should I start fulfilling my wishlist and try to smile again? Will that be unfair to you? Don't worry magkakasama din tayo uli. Alam mo ba ngayon ko lang uli naramdaman ang gumaan ang loob ko. I know you are happy wherever you are now. I missed you so much my love. I love you.." mahina kong sabi. This time walang luha sa mata ko pero naramdaman ko ang pagyakap ng hangin. Pakiramdam ko secure nanaman ako. Gumaan lalo ang pakiramdam ko. "She wants me to always be happy."

Halos isang oras na akong nandoon at tila napipikit. Bigla namang dumating si Missy. Bigla nanaman akong nairita sa kanya. Masyado na kasi siyang OA.

"San ka ba galing Aya?" tanong nya agad.

"Sa work. Di ka na nasanay." Sagot ko sa kanya.

"Mula pa umaga tinatawagan na kita pero di mo naman sinasagot."

"Busy nga kasi ako." Matipid kong sagot.

"Nag aalala lang naman ako eh. Baka mapano ka." Sabi niya at naiinis na ako.

"Kaya ko sarili ko at matanda na ako.  Wala naman akong gagawing ikakapahamak ko." Sagot ko sa kanya. "Uuwi na ako."

"Hatid na kita." Pero umiling ako at hinawakan nya ako sa braso.

"Don't be so cold Aya. Im just trying yo help you. You have nothing left. Let me help you. Let me fill in the empty space in your heart! Don't live in the shadow of your past. You know that I like you!" bigla ko siyang nasampal dahil sa naiirita ako at alam ko naman ang ibig sabihin niya. Nagbubulagbulagan lang ako na walang gusto sakin si Missy dahil I consider our friendship at di ko inaaasahang ang ganito.

"Shut up! Mahiya ka kay Zee!" naiinis kong sabi sa kanya. "You know my heart only belongs to her. Sorry but I chose to close my heart until we met again."

"Aya wala na siya and you deserve to be happy to be loved ...and.." putol niyang sabi.

"Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo at hanggang doon lang yon. I love her. That's it. I'm sorry." At tuluyan na akong umalis.

MISSY

Aya is truly one kind of woman. She's honest and pure. Siya lang ang nag iisang babae na nakilala ko na talagang napakabait, sweet caring at mapagmahal. Yon ang bagay na ikana iinggit ko kay Zee. Hindi siya tulad ng ibang babae na tini-take for granted lang ang tulad namin na kapag nakakita na ng lalaki iiwan kami. Masakit yon aba! Tao din kami.

At ang labis kong hinahangaan sa kanila ay ang tatag at tiwala ng samahan nila. Kahit wala na si Zee mahal parin niya ito.

Isang taon na nakakalipas ng mawala si Zee. Sinubukan ko ng magparamdam sa kanya pero hindi niya pinapansin. She closed her heart. She chose to ignore every possible opportunity for her to be happy. From that time she has changed a lot. The way she dress, but she remains cold. I can't even believe that she's even using make up. Naaalala ko pa na halos di niya mailagay yon ng maayos at lagi niyang maktol na sana di nalang siya na promote. Kailangan daw kasi na lagi maayos itsura nya sa bago niyang position kasi ayaw niyang mapagalitan ng boss niya. Pero napapansin ko na parang na aadopt na niya ang pagbabago. Kaso malamig pa rin siya halos hindi ko na siya makitang nakangiti. Gusto ko si Aya, matagal na. Pero ang sakit na kaibigan lang nag turing niya sakin. Kahit patay na si Zee, siya parin ang hanap niya. Siya parin ang dahilan ng pagtawa at pag iyak niya. Siya parin ang dahilan kung bakit mas pinili ni Aya ang maging mag isa kahit na inaalok ko siya ng tulong. Mahirap palang kalaban ang patay lalo pa at siya ang dahilan kung bakit si Aya nagpupumilit na magpatuloy pa.

Ano pa ba ang kayang kong gawin? May magagawa pa ba ako?

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon