Chapter 9 - The Man in the Suit

978 16 0
                                    

MAN IN A SUIT

Halos dalawang oras na kaming nakakulong ng babae na to sa elevator. Parang pamilyar siya pero iba itsura niya. Medyo chubby na sexy tong babae na to at masyadong maayos. Naka make up pa siya. Noong narinig ko siya na nag salita kanina. Akala ko siya yong babae na lagi kong nakikita sa sementeryo dati. Bago pa ako bumalik ng americal 2 years ago. Huling nakita ko siya ay yong inaway siya nong babaeng morena. Napaisip tuloy ako nasan na kaya yon si Aya. Sana naman okay lang siya. Sana hindi siya natulad kay Ate. Natatawa talaga ako ng kumalam tyan nya at sa katatawa ko pati tiyan ko kumulo nahiya tuloy ako.

Kala ko isang napakasungit na babae to dahil sa itsura niya at pananamit nya. I'm sure nagtatrabaho siya dito. Imposible ngang siya si Aya, napakasimple niyang babae at halos walang imik ibang iba sa babaeng kasama ko ngayon pero para talagang kamukha nya.

Nakakatuwa naman pala siyang kasama. Nagkwentuhan kami para hindi na masyadong matakot. Pero dalawang beses nahulog uli ang elevator at nahimatay siya.

"Miss miss gising!" nakita ko na nilalamig na siya. Biglang bumukas na ang elevator at nakita ko ang secretary ko na si Mark na nag alala sakin.

"Sir cancel na po meeting nyo, ay sir sino yan?" tanong niya.

"Kasama kong nakulong dito nahimatay nong nahulog elevator." Sabi ko.

"dadalhin ba natin sir sa hospital?" tanong nito sakin.

"Sa condo ko nalang para malapit, kawawa din tong babaeng to kung basta natin iwan sa hospital." Sabi ko sa secretary ko at binuhat ko siya pakay ng kotse. Nakarating kami sa condo ko at dinala siya sa higaan ko. Laking gulat ko ng Makita ko ang ID nya.

"Siya na ba talaga si Aya?" bulong ko sa sarili at napangiti ako. Tumingin ako sa kanya sa kauna unahang pagkakataon nahawakan ko ang pisngi nya nong mga panahng uiiyak siya sa puntod gustong gusto ko siyang yakapin at punasan ang luha nya pero natatakot ako. At sa tuwing naglalakas loob ako dumadating naman yong les na nakakainis.

Lumabas ako ng kwarto na parang ang saya saya ko.

"Sir bakit tuwang tuwa ka, naka score ka walang malay nu? Pabirong sabi ni Mark.

"I found her! Siya nga si Aya!" natutuwa kong sabi.

"Yong lagi mong nakukwento dati yong sa sementeryo kaya lagi ka nadoon?" gulat na tanong niya sakin.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon