Chapter 14

100 4 2
                                    

"Rianzares." I uttered his last name.

Pinaghalong gulat at taka ang nakikita ko sa reaksyon ng dalawa kong kaibigan. Hindi ko alam kung nakuha ba nila ang punto ko roon. But, I guess, maybe?

"Sino naman 'yon?" tanong ni Denise sakin.

"Wait, masyadong pamilyar sakin ang Rianzares. Saan ko nga ulit 'yon narinig?" ani Patricia.

"Kaklase ko siya ngayon sa Set A. Siya din yung lalaki na nakita ko nung nag grocery kami ni Ate Jhas tsaka yung lalaking nakasabay ko sa church. I guess, itinadhana talaga kami. Ngayon, kaklase ko na siya at talagang magka seatmate pa kami." 'di ko maiwasang kiligin at mamula habang nagpapaliwanag sa dalawa. God!

"You're blushing, Sam." dikta ni Denise.

Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hiya. Heto ata ang unang pagkakataon na makita nila akong kiligin dahil sa lalaki. Dahil sa ako talaga ang nagkagusto at hindi yung ako yung hinahabol.

"Ikaw ba talaga yan, Samantha?" saad ni Pat sabay hawak sa mukha ko. Sinuri niya bawat parte ng pagmumukha ko.

"Anong full name nun?" singgit ni Denise.

Umayos na ulit ng upo si Pat dahilan na makasagot nako ng maayos.

"Aiden Benedict Rianzares."

"Waittt... 'yan ba yung gwapong matangkad na masyadong misteryoso at seryoso? Habulin yan ng babae diba? Alam kong Humss student 'yon pero hindi ko alam na nasa set A lang pala siya."

"We're classmates. And, seatmates." mariin kong sabi.

"Seryoso ka ba riyan sa nararamdam mo?" biglang seryosong tanong ni Pat sakin.

Agad naman akong tumango sa kanila.

"I admired him. And, I like him." I said intently.

"God! Kaibigan ba natin 'to, Denise?" saad ni Patricia kay Denise.

"Mukhang tinamaan ata yan, kitang kita naman sa mga kislap ng mga mata niya." tugon ni Denise kay Pat.

"C'mon, Sam. Sa isang Rianzares ka lang pala matitiklop ng ganyan." Pat.

Di ko maiwasang mapangiti na lamang sa harap nila.

"Suportahan na lang natin siya, Pat. Mukhang iyon na lang ang magagawa natin sa ngayon." Denise.

"Maybe, you're just infatuated, Sam. Suriin mo muna yang mabuti ang nararamdam mo sa kanya." seryosong sabi ni Pat sakin.

Tinignan ko silang mabuti. I know na concern lang din sila sakin. Kaya hindi ko babaliwalain iyon.

"Tama si Patricia. Suriin mo muna yang nararamdam mo, Sam. Ayaw lang namin na makita ka sa huli na nasasaktan at umiiyak dahil sa lalaking 'yan. Hinahabol ka ng karamihan at maraming nagkakagusto sayo. Kaya, ayaw namin na ikaw maghabol at sa huli, wala ka rin mapapala riyan."

Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi ni Denise. Tama siya. Ayoko din naman na masaktan pa ko lalo sa huli pero may kung ano talaga sa sarili ko na nag-uutos na gawin 'to. Maybe, hindi rin naman ako bibiguin balang araw, diba?

Baka magawa rin akong gustohin ni Aiden, diba?  Hindi man ngayon pero, balang araw baka magawa niya.

"Naiintindihan ko, Denise. At isasapuso ko bawat katagang binitawan mo." ani ko sabay hawak sa kamay nito.

She nodded. "Dapat lang, Sam. Inaalala ka lang namin."

"Tama siya, Sam. Ayokong balang araw, magmamakaawa ka lang sa isang lalaki dahil hindi ka niya kayang mahalin. You're worthy. Nag-iisa kang Samantha Angeline Mijares, tinatangi at iniidolo ng karamihan. Kaya sana respetohin niya yang nararamdam mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Mr. Perfect (Rianzares Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon