Chapter 13

44 4 1
                                    

"Sam, ayos ka lang ba?"

Bigla na lang ako natauhan ng marinig ang boses ni Katie. Siya yung isa sa mga kaklase ko sa Set A at palagi ko rin pinagtatanungan ng mga bagay bagay.

Umupo ito sa harap ko habang dala-dala ang sandwich at juice na binili niya sa canteen.

Pagkatapos ng mga nangyari kanina mas minabuti kong kumain na lang dito sa canteen. Mag isa lang ako sa table ko rito at mabuti naman dahil naisipan ni Katie na samahan ako rito.

"Kanina kapa ba rito?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.

"Kararating ko lang din. Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Ayos ka lang ba?"

Ayos nga ba ako? Well, no.

I smiled at her. Pinilit ko lang ngumiti sa harap niya kahit alam kong napipilitan lang din naman ako.

"Exhausted lang ako lately." pagsisinungaling ko.

She nodded. "I see. Don't worry, one month na lang titiisin natin. Bakasyon na after nito at makakapahinga na tayo ng husto."

"Oo nga. Pero college na tayo next school year. Anong course kukunin mo?"

Nag isip pa siya ng kunti bago niya sinagot ang tanong ko.

"Psychology. Sayo ba?"

"Psychology din. Pero baka 'di ma afford nina Mama at Papa 'yon." ani ko.

"Ganon ba. Alam mo mas bagay ka sa tourism, Sam. Pasok na pasok ka sa mga standards doon."

"Di namin afford yung tuition doon eh. Tsaka hindi naman stable yung trabaho ng mga parents ko. Dagdag pa na nursing din kinukuha ni Ate. Kaya dun na lang muna ako sa makakaya nila." I slightly smiled at her.

She nodded again. "Oo nga naman." she agreed.

Inubos lang namin ang mga minuto sa pag-uusap at pagkain ng mga snacks namin. After nun ay sabay na kaming bumalik sa classroom namin. Habang papalapit kami roon ay hindi ko maiwasang kabahan na naman. Alam kong nandoon na si Aiden at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa ganitong sitwasyon.

When I enter the room, he instantly captivated my attention. Ng maramdaman niya ang presensya ko, agad siyang lumingon sa direksyon ko. Damn!

I swallowed hard while looking at him. Parang nagpapaligsahan ang mga mata namin sa pakikipagtitigan. Kahinaan ko talaga ang mga mata niya.

"Sam..." rinig kong tawag ni Katie sa pangalan ko.

Damn it! Nasa upuan niya na pala siya habang ako naman ay nakatayo pa din sa pintuan. Nginitian ko na lamang si Katie at naglakad na papunta sa upuan ko. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya, ramdam na ramdam ko ang nakapako niyang tingin sakin. Will you please stop it, Aiden? Hindi ko kinakaya!

Ng makalapit ako sa aking upuan ay agad na kong umupo roon. Here we go again. Lalabanan ko na naman ang marupok kong damdamin.

"Are we okay now?" he asked instantly.

"O-Okay naman tayo diba." sagot ko habang nakatingin sa blackboard.

"At bakit hindi mo kayang sagutin ang tanong ko habang nakatingin sa mga mata ko?"

Oh God! That's my weakness, Aiden!

"M-Mahalaga pa ba iyon?" utal kong tanong.

"Yes. Kase doon ko masusukat kung totoo nga ba ang sagot mo o hindi."

"Ganon ba yung basehan mo? Well, para sakin, ang babaw ng ganyan."

"Tignan mo'ko habang binabanggit mo ang mga katagang yan. I just want to know you more."

Chasing Mr. Perfect (Rianzares Series #1)Where stories live. Discover now