Chapter 6

114 6 1
                                    

"Sam, okay kana ba?"


Ayan kaagad ang bungad sakin ng makabalik ako sa room ko. Wala ng teacher sa loob, at tanging iilang kaklase ko na lang ang naiwan roon. Agad nila akong pinuntahan at tinanong kung okay na raw ba ako. Tumungo naman at ngumiti kahit sobrang andaming nangyari kahit ilang oras pa lang ang nakakalipas.


I look around to find him. Pero, wala na ito. Wala na rin ang mga gamit niya. I sighed heavily. Asan na kaya 'yon?


Hinarap ko ang iilang mga kaklase ko.



"Nakita niyo ba kung nasaan si Aiden?" tanong ko.


Nagsitinginan sila. At, sabay nun ay ang pag iling bilang sagot.


"Di naman alam e. Nakita lang namin siyang kumuha ng mga gamit niya tsaka umalis kaagad ng room."



I nodded. "Ganon ba. Diba, wala na tayong pasok sa susunod na subject?"



"Wala na, Sam. Bakit?"


"Uhm, uuwi na sana ako. Gusto ko ng magpahinga sa bahay."


Nagsisimula na naman akong magsinungaling. Damn!




"Sige. Mas mabuti pang mauna kana, Sam."



"Sige. Thanks."



"Ingat."



Pagkatapos kong makuha ang mga gamit ko ay agad rin akong lumabas ng room. Kahit naglalakad ako sa hallway, 'di ko maiwasang hanapin si Aiden sa bawat sulok. Ngunit, hindi ko talaga nakita maging anino nito. Siguro'y umuwi na 'yon. Gusto ko pa sana siyang kausapin. Ang dami kong gusting tanungin at klaruhin sa kanya. Ngunit hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na gawin 'yon.





Naglalakad ako na para bang wala sa sarili. Papalapit na din ako sa gate ng biglang may tumawag sakin.




"Sandali! Sam!" tawag niya sakin.



Lumingon ako at medyo naguguluhan pa ng makita ang 'di pa pamilyar na babae sakin. Sino siya?




I look at her, from head to toe. Nanibago lang ako dahil sa style niya. I mean, she's nerd and ordinary student. At, ni hindi ko pa nakita ito sa buong school sa matagal na panahon kong pananatili rito. Di kaya'y, bagong students ba siya? Umiling ako.




"Salamat at nadatnan kita." aniya.



Nagtaka ako. "Uhm, anong kailangan mo?"





"G-Gusto ko sana sumabay sayo." nahihiya niyang sagot.




Medyo naguguluhan pa ako. Ni hindi ko siya kilala at parang ni hindi pa siya nakikita sa campus buong buhay ko.




"What do you mean? Pauwi nako e." ani ko.





"Sabay na tayo." alok pa niya.




Hindi ko alam kung aayaw ba ko at talagang pinabayaan ko na lang na makisabay siya sakin. Sabay kaming lumabas ng school at napagdesisyunan ko rin na maglakad lakad na muna dahil baka makita ko pa si Aiden pagnagkataon.





Ngunit, hindi ko pa din alam kung sino bang kasama ko. I don't know her.






"Siguro nagtataka ka no?" basag niya sa katahimikan habang naglalakad kami.





Hindi ako sumagot at hinintay na lang ang susunod niyang sasabihin.






"Kilala mo si Benedict?" tanong nito dahilan na mapatigil ako sa paglalakad.




Chasing Mr. Perfect (Rianzares Series #1)Where stories live. Discover now