Chapter 12

66 3 0
                                    

Natapos ang araw na 'yon at mas lalo akong naguguluhan sa nararamdam ko. Ngunit ket papaano ay nagpapasalamat ako, dahil may isang taong handang makinig at umintindi sakin. At 'yon ay si Gerald.

Kasalukuyan na kong nagpapahinga sa higaan ko. Diretso lang ang tingin ko sa kisame nitong kwarto ko. Hindi maalis alis sa isipan ko ang pagmumukha ng Andrea na 'yon kanina. Daig pa niya ang isang bata na iniwan ng magulang nito.

Hanggang kailan ko ba makikita ang babaeng 'yon na nakadikit sa lalaking gusto ko? At bakit ganon na lang ang concern ni Aiden sa kanya? Ano bang koneksyon nilang dalawa? Damn!

---


Monday.

"Good morning po." bati ko sa lahat ng makababa ako.

Maaga akong nagising at maaga rin akong nag ayos. Lunes ngayon at may pasok na naman. Ang totoo, wala talaga akong maayos na tulog simula nung sabado pa. Masyadong occupied nina Aiden at Andrea ang buong isipan ko dahilan na napapabayaan ko na sarili ko. I don't get it! Masyado na kong nabubulag ng salitang pagmamahal.

"Good morning, nak." bati din ni Mama habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

Naagaw ang pansin ko roon dahilan na mapangiti ako ket papaano.

"Thanks po." sabi ko pagkatapos niyang gawin iyon.

Unti unti akong lumingon sa gilid ko dahilan na magtama ang mga mata namin ni Ate Jhas. Kita ko ang mapanuyang ngiti nito sa mga labi niya.

"What?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Ikaw ba yan? Ikaw ba yung kapatid ko?" tanong nito sakin.

Tumaas ang kilay ko dahil mukhang iinisin na naman ako nito.

"Stop it. Kumain ka na lang." ani ko.

"Anong nangyari at maaga ka yata nagising ngayong araw? Akala ko ba uutusan pa ko ni Mama ngayon para gisingin ka dun sa kwarto mo. Pero thank you, 'di ko na magagawa 'yon."

"Ngayon lang 'to no. Huwag mong pangarapin na mangyari 'to araw-araw."

"Fine. So, anong mayroon? Espesyal bang araw na 'to dahilan na napaaga ka yata?"

Ang daming tanong, grabe. Kapatid ko ba talaga ang isang 'to?

"Wala nga. Huwag mo na kong kulitin."

"Sus. Ikaw ah. Mukhang may tinatago ka samin." aniya.

"Jhas, tama na yan. Kumain kana at maligo. May pasok pa kayo." suway ni Mama sa kanya.

Pinabayaan ko na siya at kumain nako ng breakfast ko. After I eat my meals, nag toothbrush at kinuha ko na ang mga gamit ko. Masyado pang maaga pero aalis nako. Wala ako sa mood at gusto na lang matapos kaagad ang araw na 'to.

Nagpaalam ako kina Mama at tumungo na ng school. Masyado pang maaga dahilan na sobrang tahimik pa ng school namin. Iilan pa lang ang mga students na nakikita kong papasok sa campus namin. Dumiretso ako sa room namin at tama nga hinala ko, ako yung unang dumating rito.

I sighed deeply. Natutulog pa sana ako nito kung maayos lang yung mood ko. Hays, kainis!

Sinubukan kong umidlip muna sa desk ng upuan ko. Since maaga pa naman, matutulog muna ako rito.

Nakaidlip nga ko ket papaano hanggang sa narealize kong parang nanaginip nako. Ramdam ko na parang may humahaplos sa buhok ko. Isang magaan at maingat na haplos na para bang takot akong gisingin galing sa pagkatulog. Ayokong buksan ang mga mata ko dahil panigurado nananaginip lang naman ako.

"I'm sorry." rinig ko ngunit masyadong mahina iyon.

Nakapikit pa rin ako at pinabayaan na lamang 'yon.

Chasing Mr. Perfect (Rianzares Series #1)Where stories live. Discover now