Chapter 11

205 6 2
                                    

Lumabas kami at hindi ko alam kung saan nga ba kami pupuntang dalawa. Nakasunod lang ako kay Aiden. He want us to have private conversation. But I had no idea kung ano na ba ang sasabihin niya.

I smiled while looking at him. Nakatalikod siya pero yung kapogian niya masyadong umaapaw. Likod pa lang nito, masyado ng perpekto.

Nagulat ako nang tumigil siya sa isang napaka pamilyar na lugar sakin. Yung bagong tambayan at paborito kong lugar. Yung tambayan ko sa gitna ng field nitong school, kung saan may isang puno at bench para upuan. Pumupunta din ba siya rito? Tanging si Gerald pa lang ang alam kong palagi sa lugar na 'to. Pero si Aiden? I had no idea.

He breathe heavily and faced me. And, again, our eyes met. Kung saan nagiging paborito ko na.

Humakbang siya papalapit sa'kin at heto na naman ako, 'ni hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

I gulped. Huminto siya sa paghakbang. Lumiit ang distansya sa pagitan namin. Bigla siyang may kinuha sa bag nito at agad kong napagtanto ang panyong hawak hawak niya. Sabay nun ay ang pagdampi ng panyo niya sa pisnge ko.


Heto na naman ang puso ko, nagsisimula na naman magkagulo.

"Aiden.." sambit ko sa pangalan niya.

Patuloy lang siya sa pagpunas sa mukha ko gamit ang seryoso niyang mukha. Dumako ang mga titig ko sa mapupula niyang labi. I bit my lower lip and swallowed hard. Huminto siya sa ginagawa niya at nag angat ng tingin sa'kin.

"Sorry." he mumbled.

"P-Para saan?"

"Masyadong hindi lang appropriate yung ginagawa niya kanina sayo. Baka kung anong isipin ng mga tao roon."

Pero wala akong nakikitang mali roon. Kung mayroon man, siguro sadyang judgmental lang ang mga tao.

"E yung ginagawa mo ngayon baka kung anong isipin rin ng mga tao nito pag nakita tayo." pagbibiro ko. Di ko alam kung saan na naman ako humugot ng lakas ng loob para dun.

Hindi siya kaagad nakasagot sa biro ko. Nakapako lang ang mga tingin niya sakin.


"I don't fucking care. Wala akong pake sa ibang tao." mariin niyang sabi.

Insane, Sam! Ang aminin mo mas lalo kang nahuhulog sa lalaking 'to. Lalo na't binibigyan niya nako ngayon ng mga mixed signals na dati hindi niya magawa gawa.

Huminga ako ng malalim. "Wala din akong pake, Aiden." sabay nun ay ang paglapit ko sa kanya at paghalik sa labi nito.


Nagulat siya at ramdam ko iyon. Hindi gumalaw ang mga labi namin. Nakadampi lang ito sa bawat isa at halos lumabas na ang puso ko dahil sa tuwa at kaba. God!

Unti unti kong pinikit ang mga mata ko at mas diniin ang labi ko sa kanya. Wala na kong pake kung may makakita man at kung ano man ang masasabi ng iba. Basta alam ko sa sarili ko na hulog na hulog nako sa lalaking 'to. Na kaya kong gawin lahat para patunayan sa kanya na gusto ko siya. Na kaya kong maghabol kahit gaano man kahirap. I can't imagine myself losing him. Siguro'y baka maubos ako. Alam kong 'di ko kakayanin.


Hindi niya ko nilayo sa kanya. Hindi niya ko pinatigil. I don't want to lose this opportunity. Bahala na kung anong magiging kahihinatnan ng padalos dalos ko.


I start to move my lips on him. Marahan at maingat na halik ang ginawad ko sa kanya. I was waiting for him to respond pero, impossible 'yon. I know him, ibang iba sa karamihan.


Ilang minuto ko ginawa iyon mag isa. Hindi ko alam kung anong pagmumukha ang ipapakita ko sa kanya pagkatapos nito. Nakakahiya man pero wala na kong pake pa. Sinimulan ko na 'to kaya tatapusin ko na din. Hanggang sa bigla siyang gumalaw at maging ang mga labi nito. He start to move his lips the way I did. Damn it! Ganitong ganito ang ginawa niya nung naghalikan din kami sa clinic. At hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin itong buong pagkatao ko.


Chasing Mr. Perfect (Rianzares Series #1)Where stories live. Discover now