Chapter 2

163 6 0
                                    

"Tell me, what happened, Sam? Anong nangyari? Alam mo bang kanina pa kami naghahanap sayo. Grabe yung worried nina Papa at Mama sayo, lalo nako. Alam mo, if nagpplay time ka, 'di na namin nagugustuhan 'to."  kanina pa nagsasalita si ate sa tabi ko habang nasa byahe kami.

Wala akong kibo. Di ako nagsasalita. Gusto ko lang maging tahimik sa mga pagkakataong 'to. I don't know why I became muted for this moment. Basta alam ko, may kung anong kirot sa puso ko ngayon. Seriously, I'm not joking.

"Sam, okay ka lang ba? May problema ba? Nag aalala ako sayo. You look pale." dagdag pa nito.

Lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti. Nagtaka siya. Pero mas pinili ko pa din na 'wag magsalita. Wala lang. Gusto ko lang maging tahimik sa ngayon. That's all.

Ng makarating kami sa bahay, dali dali kaming pumasok sa loob kahit basang basa na kami dahil sa ulan. Kita ko agad si Mama na palakad lakad at pabalik balik sa 'di masabing direksyon. I don't know kong nasaan si Papa, maybe , nasa kusina.

"Ma.." pagtawag ni Ate Jhas kay Mama dahilan na mapalingon iyon sa direksyon namin.

Kita ko ang gulat sa mukha nito ngunit agad siyang lumapit samin, lalo na sakin. I guess, umiyak ito dahil hindi maganda ang mga mata niya ngayon. Masyado nga talaga silang na worried, because of me! Hays.

"Juskong bata ka, saan ka galing ha? Bat ganyan ang itsura mo? Samantha Angeline, alam mo bang halos mabaliw na kami dahil sa pag aalala. Ni hindi ako makahinga ng mabuti dahil iniisip kita, kong nasaan ka. What happened? May masama bang nangyari sayo? Wag kang matakot, handa kaming lumaban para sayo." ani Mama. Hinawakan niya ang kamay ko sabay yakap ng mahigpit.

Kahit basa ako ay itinuloy niya pa din iyon. Niyakap ko din siya pabalik at agad nagsibalikan ang mga alaala sa mga nangyari kanina. Ang tanga ko!

"Sorry, Ma." yun lang ang naging sambit ko habang nasa ganoong posisyon kaming dalawa.

Niyakap niya lang ako dahilan na gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit kusa akong lumayo dahil masyado ko na siyang nababasa dahil sa suot kong 'to.

"Ma, I guess, kailangan niya po munang magpalit ng damit at baka magkasakit pa siya dahil dyan." biglang sabi ni ate Jhas galing sa likuran ko.

Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama, masyado nga silang nag alala. And, I hate myself for this!

"Sige na. Kain ka na lang mamaya rito. Magbihis kana muna." ani Mama.

Biglang lumabas si Papa galing sa kusina. I knew it! May hawak hawak siyang isang basong tubig at siguro'y para kay Mama iyon. Agad niya kong nilapitan at agad din kinamusta. Yah. They're all worried.

"Saan ka nanggaling? Alam mo bang kanina pa kami nag aalala sayo. Ikaw talagang bata ka. Huwag mo ng ulitin 'to." hindi galit si Papa, pagsalita lamang iyon para naman umayos nako.

"Sorry po. Di na mauulit." yun lang ang tangi kong naging tugon sa kanya.

"Magpapahinga po muna siya, Pa. Balik na lang po siya rito mamaya pag tapos na." ani Ate.

Bilib ako sa kanya sa mga pagkakataong 'to. She's worrying on her younger sister. Nakakapanibago.

Tumango na lang ako sabay alis sa harap nilang lahat. I'm so wet right now! Di ko alam kong anong hitsura ko ngayon. I guess, I'm so fucking ugly right now! Pinagtatawanan ako kanina. Unang beses na nangyari iyon sa buong buhay ko. Damn it! Damn it!

Dumiretso nako sa kwarto at agad pumasok sa banyo. Sana lang ay 'di ako magkasakit nito. May pasok pa naman bukas. Hays!

Di nako nagsayang pa ng oras at agad ng naligo. Gusto ko ng magpahinga pagkatapos nito. Parang nawalan nako ng gana sa araw na 'to. Gusto ko na lang matulog at magising sa panibagong araw na dadating.

Chasing Mr. Perfect (Rianzares Series #1)Where stories live. Discover now