Chapter 1

236 7 0
                                    

Sunday.

"Sam! Wake up!" rinig kong tawag ni Ate saken.


Gusto ko pang matulog. 5 minutes na lang, pwede?


Natulog ulit ako. Ansarap ng tulog ko e. 'Wag niyo munang sirain, please lang.

"Aba naman. Bumangon kana babae! Magsisimba pa tayo." Iritado niyang sabi.

Kaya pala. Linggo pala ngayon kaya magsisimba kami buong pamilya. Pero, antok pa ko e.

"Babangon ka, o sasabihin ko kay Mama na bawasan yang allowance mo, ah?"

Kusa akong bumangon. Inayos ng maigi ang higaan ko tsaka kumuha na ng towel para makapasok na sa banyo.


"Bilis ah. Basta talaga allowance o pera ang pinag uusapan, ang bilis mo." natatawa nitong sabi.

Dun ko nakitang nakabihis na pala ito. White dress ang suot ng babae kaya patango tango lang ako.


"Maligo kana. Hintayin ka na lang namin sa baba."

"Sige na. Maliligo nako." wala sa sarili kong sagot.

Rinig ko ang pagsara ng pintuan hudyat na umalis na ito. Pumasok nako sa banyo tsaka niready na ang tubig na ipapaligo ko. Pero bago nun, muli na naman akong napangiti ng may maisip na naman. Marami din naman akong napopogian sa school namin pero ang dating at karisma ng lalaking yun kahapon, halos ibigay ko na lang sarili ko dun. Kidding. Basta ano, natamaan na lang ako na parang ewan.


Within one week, maghihintay pa ko ng ilang signs. Kung makikita ko siya within this week, o di kaya'y magtagpo ulit ang landas namin dalawa, pwes, hinding hindi na talaga ako mawawalan ng pag asa. Masasabi ko talaga na itinadhana talaga kami sa isa't isa pagnagkataon.



I finish my routines for an hour. Bago ako tuluyang makalabas ng kwarto, sinigurado ko muna ang ayos at mukha ko sa pamamagitan ng pagsulyap sa malaking salamin na nasa kwarto ko.


"Ganda mo." sabi ko sa sarili ko pagkatapos kong suriin itong mabuti.


Isang white dress na may mga flowers na designs ang sinuot ko sabay suot ng simple heals na mayroon din ko. Di yun matangkad na parang rarampa sa beauty contest no. Kaya, chill.

Light make up at may ribbon sa katamtamang haba ng buhok ko. Para akong isang anghel dahil sa ganda at kasuotan ko ngayon. Sam, you're pretty. Swear.


Lumabas nako tsaka tumungo sa dining area para kumain ng umagahan. Nakita kong hinihintay nako nina Mama, Papa at nung Ate ko.


Kita ko kaagad ang mukhang iritadong mukha ng ate ko. Worth it naman ang paghihintay mo. Sa ganda ba namang 'to? Mukha ngang anghel ang sasalubong sa inyo.


"Buti at naisipan mo pang lumabas." sabi ng Ate kong epal.

Inirapan ko lang siya at agad humalik sa pisnge ni Papa na nagbabasa ng dyaryo. Ganon din ang ginawa ko kay Mama habang naglalaro ng candy crush sa phone nito. Yun din ang isa sa mga kasiyahan niya e. Wala tayong magagawa.



"Good morning. Sorry medyo natagalan." ani ko sabay upo sa pwesto ko sa gilid ni ate.

"It's okay. Kumain na tayo para makaalis na." Sagot ni Papa sabay lagay ng dyaryo sa gilid nito.

Tumango lang ako tsaka kumuha na din ng pagkain. We're Christians. Kaya nakahiligan na namin lahat na tuwing linggo ay magsimba. Family bonding na din kumbaga.




Chasing Mr. Perfect (Rianzares Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon