Chapter 3

141 4 0
                                    

Dumiretso ako sa classroom namin na wala sa sarili. Para akong nakalutang ngayon sa tuwa. I never expect this to be happened! Para akong nananaginip.

Hindi na ito normal. I mean, ilang signs na ba? Andaming signs na ang nagpapahiwatig na mayroon talagang chance. Hindi sa pagiging assuming or what. Kase, diba, pinagtatagpo talaga kami ng tadhana. At ngayon, nalaman ko pang mag schoolmates pala kami, mas marami pang chances na makita ko siya araw araw o di kaya'y, oras oras. Lord, ang bait mo sakin. Thank you po.

Pero bakit ngayon ko lang siya nakita rito sa campus? Dito ako nag aral simula grade 7 pero never kong nakita ang ganong imahre rito. Hanggang humantong ako ng grade 12, at ngayon ko lang talaga siya nakita. Damn! Kung saan gragraduate na kami dun pa pinagkrus ang landas namin. Hays! Pero, ayos lang. Kailangan kong lubos lubosin itong pagkakataon. Isang sem na lang ang mayroon kami, at ilang buwan na lang gragraduate na kami. Within a month, kailangan kong magkaroon ng progress sa pagitan namin. Oo, ako ng gagawa ng moves. Desperada? Ah, basta. Minsan lang akong ma in love sa isang tao kaya kukunin ko na 'to. I mean, ibang iba siya sa lahat ng lalaking nakita ko sa buong buhay ko.

"Hoy, Samantha! Hindi ka na lang ba papasok rito sa loob? Kanina kapa kaya riyan sa pintuan." rinig kong sabi dahilan na matauhan ako.

Doon ko napagtanto na si Denise pala ang tumawag sakin. Isa siya sa mga pinaka close kong kaibigan at kaklase ko rito. Doon ko rin napagtanto na kanina pa pala ako rito sa pintuan, nakatayo at nag iimagine ng kung ano ano. Mabuti na lang talaga at maganda ako dahilan na hindi ako pagtawanan ng kung sino.

I enter my room right away. Dumiretso ako sa aking upuan katabi ni Denise sa bandang gitna. Doon ko rin napansin na wala pa yung isa kong katabi, si Patricia, yung nagtext sakin kagabi. Trio talaga kami simula grade 7 'til now. Sila lang din ang maaasahan ko sa kahit anumang sitwasyon. Sobrang lapit na ng kalooban ko sa kanila at kilala na din sila ng pamilya ko. Sobrang bait din ng mga parents nila at sobrang gusto nila ako. Minsan, gusto na lang nila akong ampunin. Siguro sa sobrang ganda ko no? Maganda din kase lahi namin ket papaano.

"Late na naman yung isa?" tanong ko sabay lapag ng bag ko sa upuan maging ang isang garapong stick o na bigay nung isang lalaki kanina habang papunta ako rito sa classroom.

"Always naman 'yon. Pero wait, stick o? Naks. Iba talaga karisma mo, Sam. Habulin talaga. Araw araw na talaga 'to. Hindi na talaga ako naninibago." pahayag ni Denise sabay dampot nung stick o sa upuan ko.

"Ay ewan ko ba. Minsan talaga gusto ko na lang itago itong pagmumukha ko. Masyado ng maraming nabibihag." biro ko.

She chuckled. "Ibigay mo kaya sakin yung iba."

Tinignan ko siya ng maigi. Sabay iling sa kanya.

"Ay. Damot mo naman." aniya habang subo subo ang stick o.

"Hindi mo na kailangan 'to. Maganda kana kaya." seryoso kong sabi.

Maganda siya. Nagsasabi ako ng totoo no. I mean, hindi man siya katangkaran, may bangs, morena, maganda ang hubog ng katawan at matalino rin ito. Kaya para sa'kin, walang kulang sa kanya. Para ko na din itong kapatid.

"Hindi. Iba pa din yung ganda mo, Sam." rinig ko.

"Nevermind na. Baka mas lalong lumaki ulo ko nyan." I laughed.

She nooded. "Pero maiba ako, parang ang ganda ata ng mood mo ngayon. Anong ganap?"

At muli akong napangiti. Hindi ko talaga maiwasang ngumiti ng bigla bigla lalo na pag naiisip ko ang mga nangyayari lately. Grabe! Nag grocery lang ako nung nakaraan, ngayon, limpak limpak na ang swerteng dumadating sakin. Kahit napahiya man ako nung nakaraan, wala na sakin 'yon. Isang kita o sulyap ko lang sa lalaking 'yon, okay na okay nako.

Chasing Mr. Perfect (Rianzares Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora