Chapter 10

141 6 0
                                    

Araw ng sabado ngayon at hindi ako gaanong masaya dahil bitin pa ang tulog ko. Kailangan namin bumalik sa school para umattend ng rehearsal para sa gaganaping pageant. Syempre, wala akong choice. I need to go.

I took a shower and finished my other routines. Ang tanging suot ko ay isang high waist jeans at white fitted croptop. Kitang kita ang hubog ng aking katawan dahil sa suot ko. Kahit 17 years old pa lang ako, ang katawan ko naman ay pwedeng ihalintulad sa isang 19 or 20 years old. Sa madaling salita, parang biniyayaan din ako ni Lord sa kabila ng lahat.

9 am ang assembly time na sinabi ni Miss Johanna sakin. Wala akong ideya kung hanggang anong oras ito matatapos.

Nadatnan ko si Mama na naglilinis ng bahay. Agad ko siyang binati. Dumiretso ako sa kusina at tanging sandwich lang ang kinain ko. Ayoko muna kumain ng madami ngayon dahil baka magmukha akong bloated sa stage mamaya.

"Ipaghahain na kita. Kailangan mo yon dahil magdamag kayong magpapractice." ani Mama ng makalapit siya sakin.

Umiling ako. "Huwag na, Ma. Okay na sakin 'to. Ayokong maging bloated mamaya sa practice kaya heto na lang muna yung kakainin ko."

"Pero baka magutom ka."

"Hindi po. Don't worry, Ma."

"O sya, sige. Bili ka na lang mamaya ng makakain mo."

"Opo. Alis na po ako, Ma. Ingat kayo dito."

"Ingat ka rin, nak." sabay nun ay ang pagyakap niya sakin.

Tuluyan akong umalis ng bahay. Nagbaon ako ng tubig para sa practice namin.

Tamang tama lang ang dating ko school at kaunti pa lang naman ang mga naroroon. Mostly, lower grades pa lang. Medyo nagtaka ako kung bakit may ibang estudyante pa maliban sa mga candidates. Hinanap ko si Miss Johanna pero mukhang wala pa ata ito. Kaya naupo na lang muna ako sa mga upuan doon at nag abang na din.

Ilang minuto ang nakakalipas ng bigla itong dumating. Ngunit, halos mapamura ako ng makitang kasama niya si Aiden papalapit sa gawi ko.

Agad akong nabuhayan, mas lalo akong ginanahan. Anong ginagawa niya rito? God! First time kong magpapractice na andyan ang taong gusto ko. Ayokong magkamali dahil baka kung anong isipin niya.

"Good morning, nak. Kanina ka pa ba?" tanong ni Miss ng makalapit ito sakin.

Tumayo ako at sumagot.

"Good morning po. Kararating ko lang din po." ani ko.

Dumako ang tingin ko sa lalaking nagpapakaba sakin. He's staring at me in a mysterious way. Medyo nakaramdam ako ng kunting hiya dahil sa suot ko. Hindi naman gaanong revealing pero ewan.

"You look pretty, nak. Kahit alam naman natin na araw araw kang maganda." sabi ni Miss dahilan na mapangiti na lang ako kahit papaano.

Di ko maiiwasan na tignan si Aiden. Pero masyado siyang pahalata dahil nahuhuli ko itong nakatitig na sakin. Di naman sa assuming aber.

"Anyways, di ko pala nasabi kahapon na tuwing practice niyo makakasama niyo ang class president. So, kaya kasama natin ngayon si Benedict dahil magmomonitor din siya sayo."

Nalinawanan ako sa paliwanag ni Miss. Kaya pala siya nandito ngayon.

"Ganon po ba. Noted miss."

"Kaya kung may kailangan ka na wala ako, pwede mong tawagin si Benedict kahit anong oras."

Napangiti ako. "Yes po."

Masyadong traidor ang buong pagkatao ko. Masyadong pahalata rin e.

Nagpaalam muna ulit si Miss samin dahil may aasikasuhin raw muna ito. Naiwan kami ni Aiden at heto na naman ang awkward moment sa pagitan namin dalawa. Mas minabuti kong umupo na lang ulit.

Chasing Mr. Perfect (Rianzares Series #1)Where stories live. Discover now