Kabanata- 18.

3.8K 145 17
                                    

'Ayan ah, update agad pero walang mamimilit ah. Ganyan naman kayo eh 'pag medyo "gyera" na'y nagsisilabasan kayo. Kung puro "talking-talking" eh deadma na lang si ate ionah (tampururot lol 0___0). Naalala ko tuloy ang isang tito ko sa probinsiya, minsang namasyal ako eh nanunuod siya ng action movies. Nakatatlong movies na eh napapansin kong sa bawat "saksak" niya sa player eh laging Disc 2 na agad. Tanong ko siya bakit dumideritso na, sabi lang eh "para gyera na agad, pait' (fight) na ba." Napangiti ako, natanong ko sarili ko. Paano kaya makakagawa ng isang story kung walang "kwentuhan" na mangyayari, kung puro barilan na lang agad ha haha lol!


Pahabol note pala! Sorry if 'di na ako nagrereps sa inyo ah, 'di ako nag-iinarteng supladitang chaka... 'di lang talaga ako makacomment, Its either inbox or wall kaya minsan tinatamad na ate maglog-in pa sa cp to reps, hope ok lang ;D


P.S! Joke lang 'yang nasa taas' ;D






         Malalim na yata ang gabi, pansin ko habang ipinipilig ko ang ulo ko para mawala ang antok na nararamdaman ko. 'Di ko alam pero sa tanang buhay ko'y ngayon lang akong inantok ng ganito. Idagdag pa ang lamig ng hanging pumapasok mula sa bahagyang nakaawang na bintana at ang katahimikan ng gabi na tanging maririnig lamang ay ang mga kuliglig at miminsanang pagdaan ng mga taong ibon sa itaas pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon?


Maingat akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa tabi ni Savannah. Marahan akong lumapit sa bintana at sumilip sa labas. Wala naman akong napapansing kakaiba, pero bakit kaya?


Muli kong nilingon si Savannah at lumabas naman ako para kumustahin si Ben. Kanina lang ay umiinom lamang ito ng kape pero nagyon ay naghihilik na. Napapailing akong nilapitan siya. Inalis ko at inilagay sa kanyang tabi ang sandatang nasa dibdib pa niya nakalapag. Sinarhan ko ang bintana sa kanyang harapan at pabuntong hiningang bumalik ako sa loob.


Hinilot-hilot ko na ang batok ko at sintido dahil lalo kong nararamdaman ang antok ko. 'Di pwedeng pati ako'y maidlip dahil sabi nga ni Althea ay anumang oras ay susugod sila.


Ano kayang nangyari ba't nagkasama ang dalawang 'to? Akala ko ba, galit nag alit sa kanya si Althea at ang mga sugat niya, saan kaya niya nakuha? Marahan kong kinuha ang kamay niya saka hinalikan. 'Di man niya sabihin ay alam kong dumaan siya sa paghihirap.


Isinantabi ko na lamang ang mga tanong sa isipan ko at tinitigan siya sa mukha.


Savannah...


Anas na lamang ng isipan ko pero agad rin akong napatingin sa bintana nang makarinig ako ng mga kaluskus. Hindi ako kumilos, nakiramdam lamang ako pero nang wala akong makuhang sagot ay dumapa na ako't pinakiramdaman ang lupa.


Sa aming mga busaw kasi ay maaari naming malaman na may paparating kahit gaano pa man kalayo ito kung papakiramdaman namin ang hininga ng lupa.


Oo, may hininga ang lupa. Mahirap man ipaliwanag pero sa amin, alam namin ito.


BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon