Kabanata- 6.

5.6K 166 7
                                    

        Hindi ako mapakali buhat nang manggaling ako sa bahay nila Grace. Tama nga ang hinala ko, dahil sa akin kung bakit siya biglang umalis dito. Hindi na sana ako makukonsensya kung 'di ko lang nalaman ang kalagayan ngayon ng kanyang ina.

Ahhh kahit ang walang kamalay-malay na matanda’y nadamay pa dahil lang sa pagiging busaw ko.

 

"Tsk!" napailing ako at tinungo ko na ang kwarto ko.

May naglalaro nang plano sa isipan ko pero 'di ko alam kung makakabuti ba ito kay Grace? Napabuntong hininga ako, bakit pa ba siya bumalik dito...

Papasok na sana ako nang mapahinto ako. Tahimik kong nilingon ang kapatid kong nakasandal sa haligi ng pintuan at umiinom na naman ng kakaibang alak.

 

"Keylan aalis ang babaeng 'yun?"

Tuluyan na akong humarap sa kanya at tinitigan.

 

"Hindi mo na ako kailangang tanungin Althea, alam mo ang nasa isipan ko..." mahinahon kong sagot sa kanya. "Bigyan mo lang ng ilang araw na manatili siya rito... aalis din siya."

 

Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko at nilaru-laro ang labi ng kanyang baso.

 

"Konsensiya lang ba ang nararamdan mo o iba... Abraham?" aniya at marahang lumapit sa akin. "Pinapaalalahanan lamang kita, 'di natin kilala ang babaeng 'yun, baka magdala lamang siya ng problema sa atin... sa ating lahi."

Bahagya akong napakunot noo sa kanyang sinabi.

 

"Hindi siya magtatagal dito kaya wag' kang mag-isip ng kung anu-ano." sagot ko na lamang at pinihit ko na ang pinto ng silid ko pero narinig ko pa rin ang huling sinabi ni Althea.

 

"Siguraduhin mo lang Abraham, babalikan ko ang babaeng 'yun at papatayin ko siya."

 

Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya. Alam kong totohanin niya 'yun kaya kailangang makagawa na ako ng paraan para matulungan si Grace, pambawi lang sa nagawa ko sa kanilang mag-ina.

Pagpasok ko'y tahimik akong naghubad at humarap sa kasing laki ko ring salamin. Pumikit ako at pagdilat ko nga'y nangingintab pa ang mga kuko kong tumatama sa mapusyaw na sinag ng lamparang tanging ilaw ng silid ko.

Bumuntong hininga ako at inamuy-amoy ang kamay kong nagtataglay pa rin ng bango ni Grace. Pumikit ako at sinimulan kong basahin ang pagkatao niya pero nakailang sandali na rin akong nasa ganoong posisyon ay tanging liwanag lamang ang nakikita ko.

Ahhhh.... Grace, ano bang meyron sa'yo na kahit busaw na ako'y 'di ko pa rin mabasa ang pagkatao mo? Gusto ko lamang patunayan na nagkakamali si Althea sa mga paratang niya sa'yo.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon