Kabanata- 4.

6.5K 172 12
                                    

"Let me go... ano ba?" kanina ko pa binabawi ang kamay ko pero lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Ilang beses na rin akong kumurap-kurap para siguraduhin ang nakita ko kanina pero malalalalim lamang niyang tingin ang nakikita ko ngayon.

 

"Wag mo nang uulitin 'yun..." paanas niyang sambit sa akin.

"Bitiwan mo na kasi ako, ano ba!?" sagot ko pa rin at nakukuha na namin ang atensyon ng karamihan. "Para 'yun lang, mag-oover react ka na ng ganyan." tingala ko sa kanya at 'di ko na rin maitago ang inis ko.

Lalaking ‘to, napaka-oa!

 

"Let her go Keith..." bigla akong napatingin sa babaeng bigla na lang ding sumisipot at hinawakan ang kamay nitong nakagapos pa rin sa kamay ko. "He don't wanna be shocked, feeling niya lang ay may nang-aagaw sa kung anong meyron siya." marahang baling naman ng babae sa akin, malamang ay girlfriend niya ito.

Napataas ang kilay ko sa sinabi nito, wow napakalalim ah!

"Wanna' borrow the book only." maiksi ko ring paliwanag at nang tangkain kong bawiin ang kamay ko'y saka lang niya ito binitiwan.

 

"Let's go?" baling ng babae sa kanya pero 'di man lang ito kumikibo. Sa akin pa rin siya nakatingin at nang hawakan na siya ng girlfriend niya sa magkabilang mukha ay doon palang siya napatingin sa babae. "I said let's go ok..." madiing anas ng babae at marahan na niya itong binitiwan kasabay ang paglingon sa akin.

Tuloy-tuloy na itong naglakad at aalis na rin sana ako sa wala pa ring kibong lalaki nang magulat ako sa kanyang ginawa. Bigla niya akong hinawakan at matamang tinitigan sabay lapit sa kanyang mukha.

 

"Ayukong ginugulat ako..." anas niya at kinapa ang kamay ko sabay bigay ng libro. “Di magugustuhan ng taong ‘yun ang maaari kong gawin.” anas niya at lalong inilapit ang kanyang mukha.

Nakipagtitigan ako pero sa huli ay ako rin ang umiwas. Muli niya akong tinitigan at sumilay ang isang ngiti saka tahimik nang umalis.

Napakunot noo na lamang akong nasundan siya ng tingin. Infairness lalo siyang naging manly sa suot niyang black jacket paired with black jeans. Napaka-mysterious tuloy ng dating niya pero he’s not my type, ever. Ayukong kahit sa personality ay ako ‘yung mukhang nakokontrol ng isang tao.

Gusto ko ako, gusto ko sila ang napapasunod ko.

Nagkibit balikat na lang ako at tiningnan ang librong hawak-hawak ko na. Naghanap lang ako nang mauupuan ko malayo sa karamihan at binuklat ko na ang unang page.

 

Hemmm, it’s all about aswang... nice ah.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon