Kabanata- 14.

4.1K 134 0
                                    



"Yeah... yeah, I'm already here." matamlay kong tugon sa kausap ko over the phone.

Pagkabitaw ko sa cellphone ko'y tahimik akong tumingin sa labas ng coffee shop kung saan ko hinihintay si Vods.

Napaka-crowded ng mundo samantalang 'nung 'andun ako kina Ben at Abraham eh napaka-peaceful naman. Haist! Naalala ko na naman siya pero nagtampo ulit ang sarili ko. 'Di man lang niya ako nakayang ihatid sa labasan. Kung 'di dahil kay Ben ay 'di ako makakabalik sa bahay ng maaga, kinausap kasi nito ang driver kung saan ako ibababa.

Yes, umalis na'ko sa kanila and ni' isa sa mga kailangan ko'y wala akong nakuha. Gagawa na lang kami ng paraan para sa medication ni Stella or 'di kaya'y hahanap na lang ulit ako ng mga well known specialist para sa kanya.

Napabuntong hininga na naman ako.

Naiisip ko kasi ang mga kakaibang experienced ko with him. Oo ulit eh, naiisip ko ang lahat-lahat tungkol  sa kanya. Hayyy, nagbreathe-in and out ako, sabagay maglalast lang 'to ng 2 days more pa. Sabi nga niya eh tatlong araw pa bago siya mawala sa isipan ko.

Nasa ganun' akong situation nang magring ang cellphone.

 

Ringggg... Ringgg...

Napakunot noo ako nang makitang unknown number ang nasa screen.

"Yes?" agad kong sagot sa tawag. Wala namang nakakaalam sa number ko kasi bago lang ako dito at of course, wala akong kakilala.

 

"Savannah... darling!" maarte nitong bungad. "Kararating lang namin here in Manila, where are you now sweetheart?"

 

Nawalan ako ng gana nang makilala ang nasa kabilang linya but in the same side, nacurious ako kung bakit sila sumunod dito at sino kayang kasama? Si daddy ba, paano si Stella?

 

"Are you with him?" matabang kong tanong tungkol kay daddy.

 

"Nope... but susunod siya after two days from now, on medication kasi ang kapatid mo pinauna na niya ako to settle everything." sagot niya at may kina-usap , 'yun nga lang blurred sa pandinig ko dahil sa ingay sa paligid niya. "Anyway iha, pack up your things there and wait for Vods ok, nasabihan ko na siya a while ago lang... magkita-kita rayo sa ancestral house ng family ng daddy mo so mauna na kayo 'dun ok."

 

Napa-ayos ako ng upo sa narinig ko, ancestral house? If I'm not mistaken, sa isang province ito na nagngangalang Sitio Aguilar.

"Come again?" pagkaclarify ko sa narinig ko. "Alam na ba'to ni daddy Martina?"

 

"Yes darling, he's the one who planned this thing..." agad niyang sagot at may kinausap na naman. "May nakilala kaming isang magaling na albularyo, basta I'll tell everything na lang when we get there ok, bye keep safe sa travel."  nagmamadali na niyang ini-off ang tawag kaya nang makita ko ang "call ended" ay idinial ko naman ang number ni Vods.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon