Kabanata- 15.

4.3K 138 2
                                    

(Pagbigyan muna natin si Savannah sa kanyang mahabang pov ah, promise connected ito sa mga busaw at kung nabasa niyo na ang Book 1: Busaw, Unang Pagsibol(available na in bookstores "nationwide" ang book version nito, tindi ng segway' oh lol!) maalala niyo ang isang character na extra lang 'dun pero dito, malaki na ang role niya, 'di man dito pero sa next chapter, makikilala natin siya... by ate ionah.)

 

 

        Mansion' de Zaragoza, agad kong nabasa sa isang maliit na sign board at nang lumiko na nga si Vods ay unti-unti nang lumilitaw sa paningin ko ang isang ancestral house. Wow! Napatitig ako sa laki nito and though walang nakatira dito ay nagsastand-out pa rin ang aura nito.

Huminto na nga si Vods sa gate nito at bumaba. Pasimple niyang binubuksan ang gate habang ako naman ay patingin-tingin lang sa paligid.

'Di pa naman 'to malayo sa pinagkuhanan namin ng susi pero bakit wala ng kapitbahay. Oh yeah, meron' pala. Tanaw ko sa isang two story Spanish House yata ang design.

 

"Hey, diyan ba natin sila hihintayin... ipalinis muna natin Vods." tingin ko sa kanya nang ipinapasok na ang kotse sa loob.

Ngumisi lang ito sabay tingin with his witty smile.

 

"Don't tell me, natatakot ka sa sarili niyong bahay Savannah." he's still grinning habang pahinto na kami sa main door. "Pasunod na sila Mang Emilio, hinihintay lang ang kanyang makakatulong dito, c'mon."

I have no choice na kaya pabuntong hininga akong lumabas na rin ng sasakyan. Tahimik ko uling tiningala ang kabuuan ng bahay at napalingon nang tumabi sa akin si Vods.

 

"Very beautiful place, isn't..." anas niya at nginitian ako saka pumanhik na. Muli ay wala akong nagawa kundi' ang sumunod sa kanya. "Suit yourself na lang senorita, bubuksan ko lang ang mga kwartong gagamitin natin, you know your mom'." sabi niya at inalis ang puting telang nakatabon sa isang mahabang sofa sabay lapag sa dalawa kong bag.

Tahimik lamang akong umupo habang siya'y sinundan ko ng tingin hanggang sa pumasok siya sa isang pintuan. Parang kabisadong-kabisado na niya ang bahay na'to ah.

Tinignan ko na lang uli ang buong sala. Nothing, all I can see are white figures everywhere at inalis ko na lamang ang paningin ko sa mga ito, nakaramdam kasi ako ng pagkailang eh. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko and honestly, I don't like it.

Tumayo ako at nilapitan ko ang isang malaking aparador na nakalagay lamang sa main door. Pinilit ko pang abutin ang manggas ng telang nakatabon rito saka malakas kong hinila pababa.

"Ohhh..." napasinghap ako nang makita ang laman nito. Aparador or cabinet ba ito na intended for plaques and frames only, 'di ko maalala kung anong name nito basta 'yun na.

 

Inisa-isa kong tignan ang mga old pictures. I know naman na family members ang lahat ng ito pero nasaan kaya si daddy. I saw him na in his younger age pero 'di ko pa rin siya namumukhaan dito. Hanggang sa mapangiti ako nang makilala sina daddy at lolo sa isang frame.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawWhere stories live. Discover now