Kabanata- 13.

4.2K 143 11
                                    

(Sinadya kong ipakilala sa inyo si Ethan/Benjar kasi babalikan ko ulit ang Book 3:  Airina, Ulapirang, dadagdagan ko lang ng kunting "excitements")

 

 

 




Savannah's pov...

       

       It's been 3 days nang mangyari ang nakakatakot na experience na 'yun pero higit sa lahat ay parang naglalaro pa rin sa akin ang kanilang mga mukha lalo na si Abraham and my god. Ang kapatid niya... kapatid pala niya ang inaakala kong girlfriend niya.

Napabuntong hininga na lamang ako sabay tingin sa labas ng bintana. Namimintana kasi ako ngayon at 'di ko maiwasang 'di malungkot. Nalilito kasi ako, matagal na akong pinipilit na umalis ni Ben, hindi lang pinipilit kundi ipinagtatabuyan talaga pero I don't know, 'till now I'm still here and waiting for him.

Tinigilan lamang ako nitong kaibigan niya when I said that, hindi pa naaalis sa isipan ko ang lahat nang nalalaman at nakita ko.

Napa-angat ako ng tingin mula sa pangangalumbaba nang matanaw ko na si Benj' na naglalakad sa ilalim ng mga puno.

'Andito na siya, anas ng isip ko kaya tumayo na ako't sinalubong siya sa may pintuan.

"Oh musta?" bungad ko sa kanya pero sinulyapan lang niya ako at tumuloy sa  mesa. "Uy..." sunod ko sa kanya at kinalabit ko pa.

 

"Wala, wala akong balita at hindi ako sinipot nang sinasabi mong Vods." sagot niya at nagsalin ng tubig. "Ahhh, nakakapagod ang maglakad lalo na't alamu'namang may masasakyan ka rin." pasaring niya.

Mula kasing nangyari 'yun ay sa bundok na kami dumadaan kung pumupunta kami sa city. Sabi niya ay mas mabuti na raw na nag-iingat.

 

"Sorry na... alam ko namang babalikan niya ako rito." tukoy ko kay Abraham. "May gusto lang akong hingin sa kanya before ako umalis... promise aalis na ako rito at never nang babalik."

Tingin ko sa kanya pero wala man lang itong reaksyon sa sinabi ko. Nakatingin lamang din siya sa labas at sa huli ay marahang bumuntong hininga at nilingon ako.

 

"Wag kang mag-alala... babalik siya." aniya at mataman akong tinignan. "Kumain ka na ba?"

Ngumiti ako at umiling. True naman talaga, nagkape lang ako kasi 'di naman ako marunong magluto, nauumay naman ako sa nilagang saging na lang.

Tumaas ang kanyang mga kilay at bahagyang napailing.

 

"Sabagay, laking ibang bansa ka pala at mayaman." anas niya sabay tayo. "Hemmm.... sige para maiba naman, magtitinola tayo ngayon." at lumabas na siya.

Dahil sa wala naman akong maisip na gawin ay sinundan ko siya. Good mood yata ang mokong na'to kaya magtatake advantage na ako.  Sinundan ko na nga siya sa likod ng bahay at nakita kong humuhuli siya ng manok. Umupo ako sa mga katawan ng puno na sinisibak niya tuwing umaga at pinanuod siya.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawWhere stories live. Discover now