Chapter 18

14.9K 260 40
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 18

Buntis ako. Baka nagkakamali lang? Hindi ba at may tsansa magkamali ang isang pregnancy test?

"Puwede bang u-ulitin?" nanginginig ang mga labi na tanong ko kay Kaycee. "Kasi baka nagkakamali lang."

Pakiramdam ko, ano mang oras ay mawawalan ako ng malay. Pilit kong nilalakasan ang loob ko. Sa kabila ng resultang nasa harapan ko, mayroon pa rin sa akin ang umaasang nagkamali lang ito at hindi naman talaga ako buntis.

Pero paano nga kung buntis ako? Paano ang pag-aaral ko? Paano na ang kinabukasan ko at ang pangarap ko na makapagtapos ng kolehiyo?

Ngayon mo lang naisip iyan, Madisson? Matapos mo makipaglaro ng apoy kay Dice na tila ikaw pa ang sabik, ngayon mo lang napagtanto ang magiging resulta ng lahat?

Iyong isang beses na nailabas ni Dice sa loob, iyon ba ang dahilan?

"Puwede naman. Sinong bibili?" pukaw ni Kaycee sa atensyon ko. "Si Einee na lang tutal ay bakla naman siya. Pinagtsitsismisan na kasi ako nung tindera diyan sa pharmacy."

Wala sa sarili akong tumango. Ramdam ko ang pag-akyat ng puso ko sa aking lalamunan, inaalisan na ako ng kakayahan makapagsalita.

Lumabas kami ng banyo. Kaagad kaming sinalubong nina Einee at Keisha. Worry etched on Einee's face. Naiintindihan ko dahil alam niyang hindi ako puwedeng mabuntis sa mga sandaling ito.

"Kumusta, bakla? Ano'ng resulta?" tanong niya.

Nagkitinginan kami ni Kaycee.

"Einee, bili ka muna ng pregnancy test sa pharmacy. Kahit dalawa lang. Ayaw kasi maniwala sa isang resulta lang-"

"Ano ba kasi ang resulta? Bakit kailangan ulitin?" aligagang tanong niya.

"Positive!" sagot ni Kaycee.

Nanglaki ang mga mata ni Einee habang nakatingin sa akin. I was also staring at him but my mouth couldn't open to say anything.

"Gaga ka, bakla. Buntis ka? Hala paano ka na niyan?"

Natawa ako, tila doon lang siya narinig na nagsalita.

"Edi lalaki na ang tiyan ko?" muli akong natawa. "Pero susubukan ko pa ulit gumamit ng pregnancy test para sigurado na rin."

"Sinong ama, Madi?" tanong ni Kaycee.

Wala sa sarili ko siyang tiningnan bago ibinalik ang mga mata kay Einee. He rolled his eyes as if he was telling me that everything is a mistake from the beginning.

"Tambay lang. Nagkaroon kasi ng i-inuman after class kaya..." hilaw akong natawa. "Alam mo na."

Kumunot ang noo ni Einee. Binigyan ko siya ng makahulugan na tingin na kaagad niyang nakuha.

Ayaw ko ipagsabi ang tungkol kay Dice lalo pa at kilala siyang tao. Ni hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol dito.

Matatanggap niya ba? Iyon ang tanging tanong sa isip ko. Ano ang magiging reaksyon niya? We have never talked about having a baby or even getting someone pregnant. Kaya nga siya laging may baon na condom. It just so happened that he forgot to use one on our first time.

At paano sina nanay kapag nalaman nilang buntis ako? Inaasahan nila makakapagtapos ako. Mahihinto ako panigurado. Pero puwede naman na hindi ko na ipaalam, hindi ba? Hindi na lang muna ako uuwi doon.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceWhere stories live. Discover now