Chapter 6

12.8K 274 22
                                    

Chapter 6

Inipon ko ang hangin sa aking dibdib at naglakad papunta sa harapan ng pintuan. I tried to take a peek through the wall glass to see if there was someone inside. Medyo madilim ang lugar kaya hindi ko rin tanaw.

All I could see were the red lights in each rack and divider. Tila pinagliliwanag ang mga panindang naroon.

"Kung dito ako magtatrabaho, wala naman akong gagawin kung hindi ang tumao sa counter, hindi ba?" bulong ko sa sarili.

Kakailanganin ko rin ba mag-assist ng mga customer? Pero wala naman akong alam pagdating sa mga ganitong bagay. Kapag tinanong nila ako kung paano gamitin iyon, anong sasabihin ko?

May training ba dito? Baka mayroon at pag-aaralan kung para saan ang bawat kagamitan?

Hindi naman siguro actual, ano?

Isang beses pa akong nagpakawala ng buntonghininga at pumikit nang mariin.

"Kaya mo 'yan, Madisson. Para sa ekonomiya!" pagpapaglakas ko sa loob ko.

I leaned my hands on the glass door and pushed it hard. May kabigatan iyon kaya naman kinailangan ko ng doble lakas para mabuksan 'yon.

As soon as I stepped on the black marbled floor, the smell of midnight rose perfume lingered in my nose. Kaagad kong iginala ang mga mata ko sa madilim na lugar at tanging pulang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag.

These red lights were like inviting everyone who would dare to come inside to buy all the products and lure them to fall into the darkest pleasure of sin.

Nagsimula akong maglakad papasok, walang ingay at puno ng rahan ang bawat hakbang. Kusang gumagala ang mga mata ko sa paligid. Hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin sa isip ko na sa dami ng bagay na nakikita rito, hindi ko maintindihan kung para saan sila ginagamit.

Can't people just have sex in peace? Kailangan ba talaga na mayroon pang instrumento? Does using this add more pleasure?

My eyes then darted on the familiar vibrator in shape of a penis. Nang dahil dito, lumalim ang kuryosidad ko pagdating sa bagay na 'yon. Hindi pa nakatulong na nakilala ko si Dice. Pakiramdam ko, siya ang magdadala sa akin sa kamunduhan.

At wala akong kakayahan para umatras palayo sa kaniya.

"Hi! Good afternoon!"

Naagaw ng boses na 'yon ang atensyon ko. Nilingon ko ito at napansin ang isang babae na nasa counter. She has a welcoming smile etched on her lips while looking at me.

Alanganin akong ngumiti. "Magandang hapon."

"Anong hanap mo? Baka matulungan kita."

"Trabaho po, ma'am. Iyon po ang hanap ko."

She blinked her chinky eyes. It seems like she didn't expect to hear those kind of words from me.

Bakit, hindi ba halatang trabaho ang hanap ko? Mukha ba akong customer na bibili ng mga sex toys na ito? Hindi ba ako mukhang inosente?

"Nakita ko po kasi na hiring kayo para sa cashier at sales assitant? Puwede po ako sa parehas. May experience naman po ako at recently lang po 'yon."

Tumango iyong babae. "Sandali lang, ha?"

Hindi pa man ako nakakasagot ay nagmamadali na siyang pumasok pabalik sa isang maliit na pinto at isinara iyon. Kumurap kurap ako, nagtataka sa biglaan asal niya.

Bigla ba sumakit ang tiyan niya at kailangan niyang dumumi?

Bumukas muli ang pintuan, dumungaw siya doon at sinilip ako. Ilang sandali at bumalik na naman siya loob at tuluyang isinara ang pintuan.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceWhere stories live. Discover now