Chapter 12

13.4K 262 19
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Monasterio 9: Enslaved By Her Innocence is already finished on VIPs and Patreon. 

Chapter 12

Nakarating kami ni Einee sa dalawang malalaking couch na paikot. Sa gitna ay may mahabang mesa kung saan naroon ang nagkalat na bote ng beer at mga pagkain.

May mga staff na naglalagay pa ng mga pagkain na para bang marami pa ang paparating.

My eyes gave a quick scan on the people sitting on the couches. Karamihan sa kanila ay mga lalaki at babae na senior sa university namin. Wala akong kalapit kung hindi si Einee lang.

Naroon rin sina Carmi, Belle at Hope. They were all dressed elegantly and sexy. Hindi naman na ako nagtataka dahil alam ko na galing sila sa mayaman na pamilya.

"Stella! Happy birthday!"

Napatingin sa amin si Stella nang batiin siya ni Einee. Malawak siyang ngumiti bago ako hinagod ng tingin.

"Wow! Is that you, Madisson? I didn't recognize you!" aniya.

Tipid akong ngumiti at wala sa sariling napatingin sa mga kasama niya. They were all looking at us. Maging ang mga lalaking senior sa school namin ay sa akin rin nakatingin.

Hindi na ako nagugulat pa na kaibigan ni Stella ang lahat doon. She got wide variety of friends since she's the daughter of the governor here.

"Salamat kay Einee. Happy birthday. Ito pala ang regalo namin. Share kami diyan."

Isang sandals iyon at totoong nag-hati kami ni Einee sa pambili. Hindi naman kamahalan pero sa mall pa rin nabili. We can't just go here without bringing any gift. At kung mayroon man, hindi mumurahin dahil nakakahiya sa isang alta na kagaya niya.

"Uy, thank you! Nag-abala pa kayo." ani Stella at kinuha ang paper bag mula sa akin.

"You may want to check it, Stell! Baka mamaya ay tatak 7-11 pa iyan!" Carmi mocked.

"Ano naman kung galing doon? Ang mahalaga ay may dala! Epal na ito!" pagtataray ni Einee sa kaniya.

Carmi rolled her eyes. Maging ako ay inirapan ni Belle at Hope. Natawa ako dahil halos mawala na ang itim sa mga mata nila.

Mukha silang sinasaniban.

"Don't mind them. Please join the squad. Maluwag pa naman." Si Stelle.

Nagkatinginan kami ni Einee. Tumango ako sa kaniya. Magkahiwalay ang dalawang bakante na upuan para sa amin.

"Dito ka na lang maupo, bes." bulong niya sa pinakamalapit.

Isang senior sa engineering department ang nausod para paupuin ako. I smiled a little and sat there. Nakasisiguro ako na kung hindi ako nag-ayos at nanatili sa pagka manang ko, hindi siya mag-aabala na paupuin ko.

I know him. His name is Craige. Palagi siyang nakikita na iba ibang babae ang kasama sa university.

Naupo si Einee sa kabilang banda. Medyo malayo sa akin pero nagkakakitaan pa naman kami. I smiled at him. He nodded and gave me a thumbs up. Tumango ako bilang sagot na ayos lang ako.

"Beer? Whiskey?" tanong sa akin ni Craige. Ngumisi siya nang hindi ako kaagad na sumagot. "Or, milk?"

Naningkit ang mga mata ko. "Sige. Kung may maibibigay ka sa akin na gatas ngayon, mas maganda."

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon