Chapter 3

13.5K 269 33
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

--

Chapter 3

Since I studied college, that was the first time I received my first verbal warning from the higher ups. Nakakahiya na dahil pa iyon sa panonood ng porno.

"Nakakaloka ka talaga, bakla! Noong una ay nahuli kitang may hawak na condom! Ngayon naman ay nakikinood ka ng porn sa mga kaklase natin! Iyong totoo? Tigang ka ba?"

Sinamaan ko ng tingin si Einee. Kababalik lang namin ng classroom at si Attorney Acosta ay naiwan sa guidance. Hindi ko alam kung bakit mababaw lang ang parusang ipinataw sa amin.

Maaaring dahil naroon si kuyang glow in the dark na siyang bisita ng eskwelahan nito. Ang sabi, ang ina raw nito ay shareholder sa university kaya mataas na tao sila at ang pamilya niya.

Dice Monasterio pala ang pangalan niya ayon kay Dean.

Napapadalas ang pagkikita naming dalawa kahit pa hindi naman iyon sadya. Pabor iyon sa akin dahil aminado akong sobrang gwapo niya at hindi nakakasawang makita ang pilyong mukha niya.

Nasa school pa kaya siya? O, baka umalis na rin? Ang mga ganoong klase ng bisita ay hindi naman nagtatagal.

"Paanong magiging tigang kung hindi ko pa nga nararanasan? Isa pa, first time ko makapanood ng ganoon. Curious lang ako, bes!" diin ko.

Namilog ang mga mata niya, ang kamay ay naitakip sa bibig na para bang may nasabi akong kagulat gulat para sa kaniya.

"Curious ka? Ibig sabihin... gusto mo na nga maranasan?"

Nag-iwas ako ng tingin at inayos ang salamin sa aking mga mata. Pumasok ang malamig na simoy ng hangin sa bintana dahilan para bahagyang liparin ang bangs ko.

"Hindi, ah. Bata pa tayo kaya hindi ko pa 'yon gugustuhin maranasan."

Kahit pa ang totoo ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawang pag gabay sa akin ni kuyang glow in the dark nang hawakan ko iyong... vibrator sa Pleasure Place.

After watching that intimate video awhile ago, I have to admit that I felt something electrifying tickling me down there. Ayaw kong aminin pero pakiramdam ko... konektado iyon doon.

"Naku, Madisson Ysobelle, ha! Baka mamaya ay may inililihim ka sa akin! Bigla ka na lang nagkaroon ng interes diyan. Siguro may jowa ka na! Bakla, baka mauna ka pang makarating sa langit kaysa sa akin!"

Ngumiwi ako matapos balingan si Einee. Inirapan niya ako na para bang sinasabi niyang siya dapat ang mas maunang makarating sa akin pagdating sa langit.

"Mauna ka na. Wala namang magdadala sa akin doon."

I avoided his gaze as the playful image of that certain man flashed in my head.

Nababaliw ka na, Madisson.

Nang mag-uwian ay nagpaalam sa akin si Einee para kitain ang kaharutan niyang si Enrico. Ang sabi niya ay kakain daw sila ng meryenda at siya raw ang manglilibre.

Bumabagyo na at lahat pero naisip niya pa rin talaga ang makipag date sa labas. Mamaya ay tamaan pa sila ng kidlat lalo na at wala pa rin tigil sa pag-ulan.

"Masaya bang manood ng porno, Madi?"

Sa gitna ng paglalakad patungong gate ay napatingin ako sa gilid matapos marinig ang tanong na iyon. Iyong kaklase kong lalaki na nang-aasar kanina sa akin ang siyang kasabay ko. May ngisi sa mga labi niya, halatang nang-aasar.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceWhere stories live. Discover now