Chapter 14

11.1K 207 30
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Monasterio Series 9: Enslaved By Her Innocence is already finished on VIPs and Patreon.

If you want to read the whole story, subscribe on my VIP or Patreon. Nakalagay na ngang updates will be slow e. 

THIS CHAPTER CONTAINS SEXUAL CONTENT. YOU'VE BEEN WARNED.

Chapter 14

Pasimpleng nalaglag ang panga ko pagkakita sa isang kahon ng c0nd0m sa mesa sa harap.

Glow in the dark.

Natawa ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. He sat on the couch across from me. Pinagkrus niya ang mga binti, ang mga braso ay parehas na idinipa sa sandalan habang malagkit ang pagkakatitig sa akin.

"Bakit may c0nd0m?" tanong ko.

"Pulutan."

Muli akong natawa. "Glow in the dark pa. Makakapagbigay na ba ako ng review kung totoo ito o hindi?"

The corner of his lips raised into a full smirk.

"Walang aawat sa'yo."

Muli akong natawa. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng tapang makipagtitigan sa kaniya ngayon at sabihin ang kung ano ang nasa isip ko. Marahil ay sa epekto na rin ng alak sa akin.

Titig na titig sa bote ng beer, dumukwang ako para dumampot ng para sa akin. Nakabukas na ito at siguradong doon pa lang sa kusina ay binuksan ni Dice. Kumuha pa ako ng isa at iniabot ito sa kaniya.

A sexy grin blossomed in his lips.

"You want me to get drunk?"

"Duda ako na malalasing ka sa ganitong klase ng alak."

Sandali niya pa akong tinitigan bago iniabot ang bote mula sa akin. Sabay kaming bumalik sa pagkakasandal sa couch ngunit mas nauna akong nilagok ang bote ng beer ko.

I saw him watching me from my peripheral vision. Isinandal ko sa gilid ng couch ko ang likod at wala sa sariling itinaas ang mga paa at binti. Dahil sa pag-unat nito ay umangat rin pataas ang suot ko na bestida. Lantad na ang buong hita ko at alam ko na kaunting galaw ko pa ay sisilip na rin ang underwear ko.

"Ayos lang naman, Dice, kung itataas ko ang mga paa ko, hindi ba?"

"Feel at home." napapaos ang boses na aniya.

Wala akong naging sagot at muling tumungga ng beer. Hinayaan ko magsawa ang mga mata ko sa tanawin kahit pa alam ko na sa akin nakatuon ang mga mata ni Dice.

"Iyong ipapainom sa akin ni Craige, tequila raw ang tawag doon, hindi ba? Curious ako sa lasa no'n." sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

"Your curiosity always leads you to danger, Madisson," aniya. "But if you really want to taste it, next time then. You might get unconscious after. I don't want that."

I finally glanced at him. Kahit talaga sa paraan ng pag-inom niya sa bote, sa paraan ng pagtaas-baba ng Adam's apple niya, walang maipipintas sa kaniya.

His sexiness mixed with cruelty has always found its way to overpower my innocence. Na kahit sabihin ko na ayaw ko ang isang bagay, na kahit pa alam ko na mali, pagdating sa kaniya ay ang bilis ko pumapayag.

Pagdating sa kaniya, mabilis nagbabago ang pananaw ko.

"Bakit naman hindi puwede?" natawa ako. "Pagtapos natin uminom, matutulog na tayo, hindi ba? Ihahatid mo na ako sa boarding house kasi may pasok pa ako bukas."

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceWhere stories live. Discover now