Chapter 13

12.6K 234 13
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Monasterio Series 9: Enslaved By Her Innoccence is already finished on VIPs and Patreon.

Chapter 13

Hinawakan ni Dice ang kamay ko at hinila ako paalis sa couch. Laglag ang mga panga nina Belle, Carmi at Hope habang nakatingin sa amin. Even Stella was looking at us in disbelief.

Marahil ay hindi sila makapaniwalang hila ako ni Dice ngayon. Siya rin siguro ang pinag-uusapan nila kanina at inaakala ko na kapangalan lang.

Halos matisod na ako sa rahas ng pagkakahila sa akin ni Dice. Hindi ko alam kung dahil sa pagkaliyong nararamdaman ko at tila ako palaging tutumba.

"Dice, sandali naman." ungot ko pero hindi ata narinig dahil nagpatuloy pa siya.

He only stopped walking and halted in front of a man who looked like him.

"Uuwi ka na?" tanong nung lalaki habang nakatitig sa akin.

"Something came up, Duke. Tell them I'm out."

Duke? Kasama niya ito? At saka bakit magkamukha sila? Hindi kaya pinsan niya ito? O, kaya ay kapatid?

"With her?" tukoy nito sa akin.

Dice breathed out and heaved a sigh. "Yes."

Iyon lang ang naging sagot niya at muli akong hinila palabas ng bar. Bumunggo pa ako sa ibang babae dahilan para samaan ako nito ng tingin. I gave her a peace sign but she just rolled her eyes on me.

"Dice, si Einee. Baka malasing siya at hindi makauwi-"

Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sinasabi ko nang may ilabas si Dice mula sa bulsa ng slacks niya at pindutin ito. Umilaw ang headlight ng isang itim na kotse

He opened the door and made me get inside. Naramdaman ko pa ang paghawak niya sa ibabaw ng aking ulo na para bang inaalalayan niya ako sa pagpasok. Para hindi mauntog.

Pero baka guni-guni ko lang rin 'yon.

Ngumuso ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. His eyes were sharp. Para bang kaunting maling salita ko lang ay magagawa kaagad painitin ang ulo niya.

He slammed the door close. Pinanood ko siyang maglakad paikot sa kabilang gilid ng kotse niya. Hindi ko alam kung epekto lang ng alak pero ramdam ko ang pagsiklab ng apoy sa loob ng katawan ko habang pinagmamasdan si Dice.

Ngayon ko lang napansin na may suot siyang maliit na hikaw sa kaliwang tainga niya. It shone against the moonlight. Mas lalo siyang pinagmukhang pilyo at mapaglaro. It gives him the aura like a man who doesn't care about anyone or anything around him.

A man who can inflict danger and destruction.

Tipo ng lalaki na hindi mo magagawang isahan. Nag-iisip ka pa lang ng paraan para mapatumba siya, bumagsak ka na.

Kinuha niya ang cell phone at inilagay ito sa tainga niya. I had to move my eyes off him and pretend that I was sleeping.

"Get them out of that place now, Apollo."

Sino na naman ang kausap niya? At sino ang paaalisin?

"Damn you. I did you a favor last time. You do this one for me..." he paused. "Great."

Sandaling natahimik. Hindi ko na nakayanan pa ang nagkunwaring tulog at nagmula na ng mga mata. Nilingon ko siya. He was staring intently at me.

Mula sa aking mukha ay nagbaba siya ng tingin sa katawan ko.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceWhere stories live. Discover now