Chapter 5

13.2K 224 21
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 5

Mula sa pagkakatungo, pasimple akong nag-angat ng tingin sa may ari ng mini mart. Nanglalaki ang mga mata niya sa likod ng suot niyang salamin.

He was small, bald and fat. Malaki rin ang tiyan niya at palagi pang nakasimangot. I've always known that he's a strict old man. Kaya lang ay hindi ko magawang seryosohin sa tuwing nagagalit siya.

"You're fired!"

Nanglaki ang mga mata ko sa naging sigaw niyang 'yon. Tumayo ako at sinubukan siyang lapitan at hawakan sa kamay pero mabilis niyang iniiwas iyon sa akin.

"Sir, ano po... hindi ko naman po iyon ginusto. Ni hindi ko nga po kilala iyong lalaki na 'yon at basta na lang po ako hinalikan-"

"Anong hindi kilala? Imposible iyang sinasabi mo dahil kitang kita sa CCTV na pinunasan mo pa ang labi niya matapos ninyo maghalikan!"

Ngumuso ako at nagbaba ng tingin. Bumalik ako mula sa pagkakaupo sa silya at wala sa sariling nag-angat ng tingin sa pintuan ng staff room. Naroon si Einee at palihim kaming pinapanood.

Nagtatanong ang mga mata niya, walang alam sa nangyayari. Hindi ko pa nagagawang ikuwento sa kaniya ang nangyaring kahalayan sa amin ni Dice kagabi ditosa mini mart. Sasabihin ko naman sana kaya lang ay naunahan ako ng may ari ng minimart.

Kung bakit naman kasi hindi ko naisip na may cctv kung saan siguradong makikita ang ginawa namin kagabi sa counter. It was just a kiss but given that we did it inside the working place and I was still on duty made it valid for the boss to kick me out of here.

Pero hindi puwede! Dito lang ako kumukuha ng para sa allowance ko at mga kailangan na gastusin sa school. Kapag nawalan ako ng trabaho, siguradong wala akong pagpipilian kung hindi ang humingi ng tulong mula sa mga magulang ko sa probinsya.

"Sir, sorry talaga. Last chance na po. Hindi na po mauulit. Kung gusto n'yo po mag overtime ako-"

"Tigilan mo ako! Hindi iyan gawain nang matinong empleyado! Ibibigay ko sa'yo ang back pay mo at bukas na bukas ay hindi na dapat kita makikita dito!" aniya, nanglalaki ang mga butas ng ilong.

Nanglaki ang mga mata ni Einee mula sa pagkakasilip. Tinalikuran ako ng may ari at naglakad patungong pintuan dahilan para mabilisang umalis si Einee doon.

Tumungo ako, humugot nang malalim na buntonghininga. Sandaling naghalo halo ang mga bagay sa isip ko. Pagdating sa pag-aalala sa pinansyal, duda akong makakatulog ako nang maayos mamayang gabi.

Gusto kong umiyak pero ang mga ganitong bagay ay hindi naman mareresolba sa ganoon. Bukod sa masasayang lang ang luha ko ay sasakit pa ang ulo ko.

"Ano ba kasing ginawa mo na bakla ka? Iyong sinasabi ni boss butete na nakita kang nakikipaghalikan... totoo ba 'yon?!" tanong ni Einee nang makabalik ako sa counter.

Nanghaba ang nguso ko bago tumango. Narinig ko ang pagsinghap niya habang naglalakad kami pauwi ng boarding house.

"Jusmio! Paanong nangyari! Wala ka namang boyfriend! Huwag mo sabihin sa akin na mayroon pero nililihim mo? At saka sino siya?" sunod-sunod na tanong niya.

Bumuntonghininga ako habang wala sa sariling nakatingin sa daan.

"Iyong lalaki na ikinukwento ko sa'yo. Iyong lalaking bumibili lagi nang maraming condom-"

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceWhere stories live. Discover now