Prologue

41.4K 391 55
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

This is already complete on VIPs and Patreon.

Prologue

"Ano na naman ba 'yan?"

Napalingon ako sa gilid nang marinig ang tanong na 'yon. Nasa tabi ko na si Einee, nakatingin sa papel na siyang nasa harapan ko.

"Promissory note ulit, bes?" dagdag niya.

Bumuntonghininga ako at pagod na itinuon ang mga mata sa isinusulat.

"Oo. Wala naman akong choice. Kapag hindi ko ito ginawa, hindi talaga ako makakapag-exam sa susunod na linggo." Huminga ako nang malalim saka siya muling nilingon. "Pautangin mo na kasi ako. Babayaran ko sa susunod na sahod natin. Promise."

Mula sa pangangalumbaba ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Ngumiwi siya na tila ba may nasabi akong nakakagulat sa pandinig niya. Nandilat rin ang mga mata niya. Malaki na nga ang mga ito ay lalo pang lumaki.

"Shuta ka, Madisson. Kung makahiram ka akala mo naman hindi rin ako namomoblema para sa exam natin na iyan."

Natawa ako. Alam ko namang wala rin siyang pera at parehas kaming hampaslupa pagdating sa mga bayarin sa eskwelahan. Umaasa lang kami sa kinikita sa mini mart na hindi rin naman kalakihan.

Mahirap maging working student. Kahit anong pagsubok o problema ang kaharapin, walang karapatan magreklamo. Hindi pwede mapagod. Hindi puwedeng sumuko kasi iyon lang ang paraan para makapagtapos at maiahon sa hirap ang pamilya.

Wala rin naman akong choice. Mas mahirap kung hindi ako makakapagtapos at uuwi lang rin luhaan sa probinsya. Ayaw kong umikot ang buhay ko sa pag-aararo ng palayan.

"Sabi ko naman kasi sa'yo humanap na lang tayo ng AFAM. Tapos kakantahan ko kayo ng I just wanna love you forever more kapag nakalabas na siya ng airport."

Inayos ko ang suot na salamin at muling nilingon ang matalik na kaibigan.

"Walang magkakagusto sa akin na kano kasi tingnan mo naman ang itsura ko, Einee," sabi ko at hinagod ang kabuuan ko. "Isa pa hindi ko naman goal ang makapag-asawa ng AFAM. Gusto ko makatapos para hindi naman sayang ang scholarship ko. Ikaw na lang ang maghanap."

Umismid siya saka bumuntonghininga. "Kapag yumaman ako, bes, magpapapalit kaagad ako ng kasarian. Para naman mas madali akong makahanap ng foreigner."

Lihim akong napangiti habang pinagmamasdan siyang nakatitig sa langit. Simula ng maging kaibigan ko siya dito sa university at nakilala ng husto, iyon palagi ang sinasabi niya sa akin. It's his dream to have his sex changed someday.

Lahat daw ay ipapabago niya sa kaniya pwera lang ang ilong na sadyang matangos na. Ang boses niya ay parang babae na rin naman. Masakit nga lang sa tainga kapag tumataas. Parang pusang sumisigaw kapag naaapakan nang hindi sinasadya.

"Yung boobs ko, gagawin kong kwarenta ang size! Tapos ang bewang, twenty four at ang balakang ay thirty eight! O, hindi ba Khloe Kardashian?"

Natawa ako. "Hindi ba Toni Fowler, bes?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "So, gusto mo ako maging Jollibee, bes?"

Sabay kaming natawa. Nang kumalma ay binalingan niya ulit ako ng tingin.

"Ikaw, bes? Wala kang balak ipabago sa feslak or katawan mo?"

Napaisip ako. Aminado akong wala akong boobs. May kaunting hubog naman ang katawan ko at malaki ang balakang. Maging ang puwet ko rin ay maumbok. Nga lang, maliit lang ako kaya madalas, inaalok akong sumali sa cheerleading squad dito sa school namin.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon