Chapter 2

14.7K 252 7
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 2

Bumuntonghininga si Einee habang pinagmamasdan ang walang tigil na pagkidlat sa langit. Pumangalumbaba siya sa railings ng corridor nang biglang tumama ang kidlat sa lupa.

"Ay, palakang may pekpek!" irit niya sabay atras palayo roon. "Jusmio naman, Lord! Huwag Mo naman po sunugin ang beauty ko. Sasali pa ako sa Miss Intergalactic!"

Natawa ako bago ibinaling ang atensyon sa labas kung saan malalaki ang patak ng ulan sa semento.

"May bagyo ata. Ilang araw na rin walang tigil ang ulan." wala sa sariling sabi ko.

"Nakakainis talaga! May date pa naman kami mamaya ni Erickson."

Iyong lalaking nakilala niya sa loob ng grocery store habang nakaduty kami? Nagkakamabutihan na pala sila.

"Seryosohan na ba iyan, Einee?"

Nilingon niya ako, malawak ang ngiti sa mga labi. Muling kumulog dahilan para mapatakip siya ng mga tainga.

"Oo, bakla! Pang limang girlfriend niya na daw ako at sana ay maging huli na. Kawawa nga. Wala siyang rubber shoes pang laro sa basketball mamaya. Nagtatanong baka daw may extra ako-"

"Einee naman..." ngumuso ako. "Baka naman peperahan ka lang no'n? Hampas lupa na nga tayo dito sa Maynila at pagkatapos ay gagastos ka pa sa lalaki."

Hindi naman siya nagagalit kapag pinagsasabihan ko siya tungkol sa ganoong bagay. Concern lang rin ako sa kaniya at ayaw kong sa huli ay siya ang kawawa.

At isa pa, hindi ba at ganoon ang totoong kaibigan? Paaalalahanan ka lalo na kapag alam niyang mali ka na?

"Joke lang, bes. Wala rin naman akong pera pangbili ng bago niyang sapatos. Swelas lang ang kaya kong maibigay sa kaniya..." natawa siya. "Puwede rin na sintas lang."

Sabay kaming natawa. Imbes na pumasok sa loob ng classroom ay nanatili lang kami sa corridor at pinanood ang ulan. Vacant namin kaya wala rin gagawin sa loob.

"May bisita raw ngayon. Anak raw ng isa sa mga shareholders ng school na ito."

"Sino daw?"

"Wala rin akong ideya. Basta ang nadinig ko lang ay papasyal daw dito sa eskwelahan kasama ang mga head ng school."

Pasimple akong napalingon sa likod nang marinig ang usapan ng mga babaeng dumaan. Kadalasan, kapag may bisita sa eskwelahan ay palagi iyon pumapasyal sa bawat classroom.

Wala namang announcement mula sa mga staff ng school kaya maaaring private visit lang ang gagawin.

"May bisita na naman? Hindi na nawalan ng bisita ang school natin." dinig kong sabi ng isang lalaki na nakatambay sa corridor at siguradong narinig rin ang usapan ng mga babaeng nagdaan.

"Ganoon talaga kapag bigatin ang school. Palaging may bisitang pang dangal."

Hindi ko na pinansin pa 'yon. Nang dumating na si attorney para sa susunod na subject ay pumasok kami. Wala pa rin tigil ang ulan dahilan para makaramdam ako ng katamaran sa gitna ng klase namin. Idagdag pang masiyadong mahinhin ang boses ni Attorney Acosta sa harapan at tila ako hinehele.

Pero sa kabila no'n, alam ko kung gaano siya ka-istrika pagdating sa pagtuturo sa amin.

"Tang ina, Marquesa! Magandang posisyon iyan. Kaya lang ay mahirap gawin. Dapat flexible ang babae."

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceWhere stories live. Discover now