Chapter 45

11.7K 1.1K 270
                                    

Chapter 45 King Dastan

As someone who has the blood and memories of the previous werewolves, no one could blame me for feeling that sadness and hatred for them.

Siguro nga'y marami nang nakalimot sa kanila o di kaya'y hindi nakakakilala, ngunit sa paglipas ng panahon, lalong umuukit ang kanilang mga alala at sakripisyo sa akin.

Elin and Ressa were powerful white werewolves during their time, they were the forgotten heroes that weren't saved. There were no powerful families around them, friends, packs or even comrades to fight with them, which gave them no choice but to sacrifice themselves for the greater good.

Kaya ngayong nakikita ko na sa panahong ito'y dumating ang pagkakataon na may mga nilalang na handang gawin ang lahat para sa katulad kong puting lobo, hindi ko magawang itago ang matinding galak sa puso ko.

Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha mula sa aking mga matang nakapikit sa gitna ng lumulutang bula sa altar. "I am happy. . ."

Dahil ang kalayaang ngayon ay ipaglalaban ko at ng mga nilalang na nasa harapan ko ay hindi lang para sa akin, kundi pati na rin sa mga dating puting lobo.

The Head Wizard and the previous Earth Dragon Wizard simply lowered their heads to show their respects as well.

Bago pa tuluyang mawala ang komunikasyon naming lahat ay lumapit pa sa akin si Anna. I saw how she tried to touch me with my little soul inside that small floating bubble but she stopped herself. She lowered her head and she started to cry. "I am sorry for leaving you, Iris."

"You have to leave this world, Anna. Hindi rito ang higit mong tungkulin. Hinihintay ka ng Nemetio Spiran sa mundo kung nasaan si Caleb," sagot ko sa kanya.

"M-Maybe if we stayed a little bit longer you'll be. . ."

Hinayaan kong mas lumutang ang maliit na bula upang magpantay iyon sa mukha ni Anna na napupuno na ng luha. "May kanya-kanya tayong dapat gampanan sa bawat paglalakbay, Anna. You freed the Head Wizard. You saved your ruler and your world."

Nang nagsisimula nang lumabo ang imahe ng mga Gazellian ay hindi lang si Anna ang siyang lumapit sa akin, kundi pati na rin ang iba pang mga babaeng Gazellian. Si Lily, Kalla, Naha, Harper at maging si Reyna Leticia.

Tipid kong sinulyapan si Tavion na ngayon ay pinapalibutan na rin ng mga lalaking Gazellian, ng mga prinsipe mula sa propesiya at maging ni Adam.

"You can't run. You have to talk with them," banta ni Rosh kay Tavion na nasa likuran niya at mukhang handa na siyang pigilan kung sakaling hindi niya harapin ang kanyang mga pinsan.

"I don't want to—" ngunit mas itinulak lang siya ni Rosh na lumapit sa grupo ng mga lalaking Gazellian.

"He'll be fine," tipid na sabi sa akin ni Harper.

Ngayon ay pumalibot na sa akin ang imahe ng mga babaeng Gazellian na mas lumalabo sa aking mga mata.

"I asked Dastan if I can go to Fevia Attero but he disagreed," sabi ni Lily.

"He'll never approve it. Lalo na't ngayon na aalis si Harper? Hindi mapapalagay si Haring Dastan na wala ang isa sa kanyang babaeng kapatid sa palasyo. I just noticed that," sabi ni Naha.

Tumango si Reyna Leticia. "Lagi man akong nasa tabi ni Dastan, madalas pa rin niyang itinatanong kung nasaan sina Lily at Harper."

"Of course, he'll never take an advice from his brothers. Mas gusto niya pa rin ang opinyon namin ni Harper," naiiling na sabi ni Lily.

"We might have failed to send more help in Fevia Attero, but I'll promise to fulfill my mission, Iris," magaang ngumiti sa akin si Harper na tila hindi lang isang bula ang nakikita niya kundi ang mismong ang aking anyong tao.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon