Chapter 6

21.9K 1.8K 1.2K
                                    

Chapter 6: Agreement

Tila paulit-ulit na umugong sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya sa akin. Hindi ko man nais magkaroon ng ideya tungkol sa komplikadong pamilya ng mga Gazellian, bilang mga royalidad ng emperyo'y mahirap itago ang bawat kaganapang nangyayari sa kanila.

Desmond Lancelot Gazellian's revelation about his identity made a huge stir in the whole empire of Parsua, lalo na't hindi biro ang pangalang ng kanyang ina. Danna Isolde was a known vampire that was chosen by the prophecy, a traitor, and a threat to the royal family. Isama pa na isa siya sa kilalang pinakamalakas at matalinong bampirang isinilang ng kanyang henerasyon.

Desmond's controversy as an illegitimate child was already a scandal in the whole empire, but the fact that he's a son of a known traitor... made it more complicated. At ngayon na tila naulit na naman with Prince Tiffon who was announced dead and suddenly had a child...

Ramdam ko ang biglang pag-ikot ng paningin ko. Napakarami na agad katanungang nabuo sa isip ko.

Sinabi sa akin mismo ni Adam na pinili nang itago ni Desmond ang kanyang pagkakakilanlan upang hindi na gumawa pa ng kaguluhan, but the Gazellian siblings insisted for his rights. At sinabing nararapat lang niyang dalhin ang pangalan ng kanilang pamilya.

Would that be the same with this silver-grayed hair vampire?

Ilang mga salita pa lang ang narinig ko mula sa kanya'y nasisiguro kong malaki na ang disgusto niya sa sarili niyang pamilya.

Nang muli siyang humakbang, pinilit ko ang sarili kong palakasin ang aking loob. I shouldn't be wavered. Paano kung hindi siya nagsasabi ng totoo? Paano kung... ngunit unti-unti rin nawala iyong pag-aalinlangan ko.

Saan pa ako hahanap ng butas sa kanya? He's a Gazellian! At hindi na iyon matatago pa.

"Come on! He could be dead by now! Nararamdaman mo pa ba ang presensiya niya?!" he looked impatient. Halinhinan ang tingin niya sa akin at sa bukana ng kuweba.

"What else? Tell me what do you want? Any information you want to know. I am not here to play with you, little wolf. I have a fucking mission!"

Hindi ko siya magawang sagutin. Paano ko iyon magagawa sa ganitong kaanyuan? Mariin lamang kaming magkatitigan nang ilang minuto bago siya naunang mag-iwas ng tingin sa akin.

He placed his hands on his waist and paced impatiently from left and right. And when he'd stop for a moment, his eyes were switching from the cave to my position.

Para siyang nag-iisip ng plano kung paano siya makakadaan sa kuweba na hindi na kailangang makipaglaban sa akin.

"Alright! Do you have something-" umikot ang mga mata niya sa paligid at nang makita niya iyong maliit kong bag na nakalapag sa ilalim ng isa sa nagtataasang puno, mabilis siyang naglaho sa harapan ko.

He quickly picked up my bag and threw it at me. "Change. Tatalikod ako."

That's the safest way to coordinate with me. Ang makausap ako nang maayos at alamin ang mga opinyon at nalalaman ko. Tumalikod na siya habang patapik-tapik ang isa niyang paa na parang may hinahabol siya.

Nanatili akong nakatitig sa kanyang likuran habang nagpapalit ako ng aking kaanyuan. Hindi umalis ang mga mata ko roon habang nagmamadali akong magsuot ng damit.

It only took a few minutes for me to get dressed. It was my usual outfit during my journey, black long sleeves tucked-in with a baggy brown army pants, black boots, and my braided hair. I held a knife behind my back to secure myself for emergency.

"Done."

"Alright," agad na siyang lumingon pabalik sa akin.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon