Chapter 30

10.1K 907 75
                                    

Chapter 30 Real reason

"It was you, right? You sent those crows."

Nang mga oras iyon ang maingay na pamilihan na napupuno ng iba't ibang klase ng nilalang ay nabalot nang matinding katahimikan.

Hindi man ako kasali sa panahong iyon, at isa lang akong dayong nanunuod sa bawat eksena, dama ko ang hagpos ng malamig na hanging sumimoy sa pagitan ng mag-ama.

Sabay pinayid ng hangin at piraso ng mga dahon mula sa nakapaligid ng mga puno ang buhok ng mag-ama. Bagaman madalas kulayan ni Tavion ng itim ang kanyang buhok, hindi pa rin niyon naitago ang natural na kulay ng ilang hibla ng kanyang buhok na tila sadyang kumislap kasabay nang unti-unting paglubog ng araw na may nagniningning na kahel na liwanag.

Sa halip na lumingon pabalik sa boses na narinig ni Tavion, nanatili siyang nakatitig sa aninong nasa harapan niya.

Sa mga oras na iyon, ramdam ko ang pagpigil ng aking paghinga sa antipasyon sa sunod na mangyayari. Si Tavion na mismo ang siyang nagsabi sa akin na hindi siya nakilala ng kanyang ama. Ito na baa ng tagpong iyon? Posible nga kayang hindi siya makilala ng isang Gazellian?

Even Caleb who was just his cousin could recognize him, there's no way that King Tiffon would fail to notice his own blood and flesh. Lalo na't hindi siya mahinang bampira lang.

Biglang bumalik sa aking alaala ang nasaksihan ko noon. Bumalik sa Nemetio Spiran si Haring Tiffon pero hindi ito nagustuhan ni Haring Thaddeus. Doon ko narinig kung paano niya sinabing nais niyang angkinin si Tavion bilang kanyang sariling anak.

Would it be possible that King Thaddeus did something for him not to recognize his own son?

Pabalik-balik ang aking mga mata mula kay Tavion na nakatalikod at kay Haring Tiffon na naghihintay sa kanyang pagharap.

"Kinakausap kita," isang beses pang humakbang si Haring Tiffon papalapit kay Tavion.

Pansin ko ang pangangatal ng kanyang mga kamay na tila pinipigilan niya lang ang kanyang sariling itaas ang mga iyon. At nang maramdaman ni Tavion na muling humakbang ang kanyang ama patungo sa kanya ay agad na siyang inangat ang talukbong ng kanyang kasuotan higit na takluban ang kanyang sarili.

"Hindi ko alam ang iyong sinasabi," sagot ni Tavion bago siya nagsimulang maglakad ulit.

Hinintay kong may gawin si Haring Tiffon ngunit ang tangi niya lang ginawa ay habulin ng tanaw si Tavion na hindi rin nagtagal ay tuluyan nang humalo sa napakaraming nilalang sa pamilihan.

Nang mga oras na iyon ang tangi ko lang nais gawin ay itulak si Haring Tiffon at isigaw sa kanyang anak niya ang lalaking iyon. Gusto ko siyang pilit na itulak at sigawan. Nais ko siyang humingi ng patawad kay Tavion, dahil isa siya sa dahilan kung bakit naging ganoon ka-miserable ang kanyang pagkabata.

He should accept and feel his own son's pain and hatred. Dahil sa paraang iyon ay mababawasan ang lahat ng dinaramdam niya.

Kung may magagawa lang ako ng mga oras na iyon, kung may kakayahan lang akong hindi manuod sa ipinakikita sa akin ng nakaraan ay nagawa ko. Pero ang tanging nagawa ko lang ay umaasa na may mangyaring hindi ko inaasahan.

Pinagpatuloy ko ang panunuod kay Haring Tiffon at sa reaksyon niya ng mga oras na iyon. Talaga bang hindi nila nakilala si Tavion ng mga oras na iyon?

Handa na sana akong sundan ang daang tinahak ni Tavion nang mapansin ko na nagsimula nang maglakad si Haring Tiffon habang may nanghahabang leeg. Unti-unti ay bumilis at lumaki pa ang mga hakbang ni Haring Tiffon ngunit hindi na niya matanaw pa si Tavion.

Kahit ako ay hindi na rin matanaw kung nasaan na si Tavion, pero nang biglang nawala sa kanyang posisyon si Haring Tiffon at ang tanging naiwan lang ay ang kanyang anino ay nag-angat na ako ng tingin sa itaas.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now