Chapter 39

9.4K 796 54
                                    

Chapter 39 Takot

Habang tumatagal ay mas lumalakas ang lindol, unti-unti nang lumulubog ang mga batong maaari pa naming talunan. At nang sandaling tumingin ako sa ibaba ay sa halip na mas tumaas ang lava ay tila natutuyo iyon.

Natutuyo?

Hindi lang ako ang napatingin sa likuran dahil lahat kami ay tila iisa lang ang iniisip.

"I don't like this. . ." kumento ni Tavion.

"Masusunog tayo ng buhay. . ." usal ni Caleb.

"I can accept a water tsunami. I can still survive, but this? Sabihin ninyong mali ang iniisip ko. Bakit umuurong iyan?" sabi ni Tavion.

"It's a tsunami, of course," sagot ni Howl na sumulyap ulit sa unahan.

"Kahit bilisan natin ang pagtalon ay maabot pa rin tayo niyan," dagdag ko.

"Should I accept it in open arms?" tanong ni Howl.

But our problem with the upcoming lava tsunami was solved when Anna and Caleb shouldered it. Inako ni Anna ang pagharap doon at ang tangi lang naming nagawa'y sumang-ayon sa desisyon niya.

I couldn't help but admire Anna, dahil sa misyong ito, higit siyang maraming nagawa sa aming lahat.

Tumalikod na kami nina Howl at Tavion para ibigay ang labang iyon kina Anna at Caleb.

I know that I shouldn't think this, but I felt like I've been doing nothing even with the help of my map, habang si Anna ay ilang beses nang isinangkalang ang sariling buhay para lang mausad ang misyong ito.

"I can't believe that we're going to survive in that method. Come on, let's leave the show for them," kumento ni Howl. Dahil bago pa man kami tuluyang makalayo sa kanila ay napansin ko pang akma nang kakagat si Caleb kay Anna.

"Hindi ba talaga nila kailangan ng tulong?" sigaw ni Tavion kay Howl nang bumalik kami sa pagtalon.

Since we all discovered that the spider above us was the controller of the place with its trick to make our path longer, with Anna and Caleb's way of distracting it, the paths were starting to have their normal length.

Nararamdaman ko nang nakakalapit kami.

"That spider and the tsunami? Are you serious, Howl?"

"No matter what happens, don't look back. Let's trust them. We should reach each portal. Iyon ang misyon nating tatlo," madiing sabi ni Howl.

Kaya kahit anumang ungol ng malaking gagamba, kidlat at ilang beses na ingay mula sa gumuguhong mga bato, hindi kami lumingong tatlo. With Howl's clear command, Tavion and I were determined to reach the portals.

Tiwala sa isa't isa, iyan ang siyang higit na magpapapanalo sa amin. At nang sandaling malapit na nga kami sa altar, napahinga na ako nang maluwag nang marinig ko na ang boses nina Anna at Caleb malapit sa likuran namin.

Hindi lang ako ang tumigil dahil maging sina Tavion at Howl ay napalingon na sa likuran sa pag-aakalang tapos na ang lahat, ngunit nagkamali kami dahil sabay-sabay naming nasaksihan kung paano huling hinarap ni Anna ang higanteng gagamba. 

With all her floating talismans that turned into a sword and her igniting lamp, Anna fought the spider. No, she magically freed the cursed spider which made me admire her more.

"Do you think I can't see you? Do you think that a female Attero will not notice you? I can see you. My lamp can see you. What really happened?"

Dahil matapos niyang hiwain ang katawan ng isinumpang gagamba gamit ang espadang mula sa kanyang mga talisman at ang liwanag na nagmumula sa kanyang lampara na hinayaan niyang bumaon sa katawan nito, malakas na liwanag na pagsabog ang siyang muling sumalubong sa amin.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now